Baka Sakali

6 0 0
                                    

Sa mundong ginagalawan,
Maraming nabubuhay sa bakas ng nakaraan.
Patuloy na binabalik-balikan.
Nakalipas na tuluyan ng natuldukan.

Nagbabakasakaling muli pang madagdagan.
Mga ala-alang mahirap ng kalimutan.
Pusong nananabik sa pag-iibigang
Malabo ng maibalik kailanman.

Masama bang umasa?
Kahit kapalit nito’y labis na pagdurusa?
Masama bang umasa sa “baka”?
Sa pagkakataong “baka pwede pa”?

Baka bukas bumalik na siya,
Baka bukas masaya na.
Baka hinihintay niya lang ako.
Baka mahal pa niya ‘ko.

Kung sisilipin ko ang nakaraan
At bibilangin ang nagdaan,
Araw, linggo, at mga buwan.
Mabibilang ko ba, sa igsi ng ating pinagsamahan?



Mabibilang ko ba, sa igsi ng ating pinagsamahan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa Hindi Pag_alalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon