Chapter 2

954 34 11
                                    



Two weeks na since nung huli kong nakita sa Yohan. And sa cafeteria pa yun. Nung bumulong siya ng nakakabagot or nakakapagod. Hindi ko talaga naintindihan kasi sobrang hina lang niya. Pero sure ako na isa sa dalawa yun.

At two weeks na rin akong binuburaot ni Yasmine! My gosh! hindi nakakatulog yung kaluluwa ko pag kasama ko siya. Ang kulit kulit! Pinipilit niya akong pumayag na sa gusto niya. Gaya ngayon, nandito kami sa library at naiirita na ako kasi iisa lang ang bukambibig niya!


"Pumayag ka na pleeeeaaaaassseeee!!!!" Ang kuliiiiittt!

"Ayoko nga!"

"Sige na kasi! Maaatim mo ba akong bumagsak? Ikaw kasi ang gusto kong maging artist! Pumayag ka na kasi!"

"A-yo-ko. Tapos."

"Ang arte mo ha! Pasalamat ka nga pumasa ka sa standards ko bilang bida!" Aba! Nilalait ba ko nito! 

"Salamat sa lait ha! Madami namang iba dyan eh! Sila nalang! Alam mo namang wala akong future sa mga ganyan."

"Sorry na! Pero ikaw kasi talaga ang naisip kong gumanap sa role ng bida eh."


Di ba kayo makasabay? Well, itong si Yasmine kasi pinipilit akong gumanap as the protagonist sa film na gagawin niya. Mass Communication kasi ang course na kinuha nitong gaga na 'to at ako ang napiling perwisyuhin! Eh sa wala akong talent sa pag-arte! At hindi sa pag-iinarte, pero camera-shy talaga ako pwera biro! At hindi rin ako komportable umarte sa harap ng maraming tao. Kahit pa sabihing hindi naman live yun, syempre marami paring tao sa set! At romance pa talaga ang genre niya! That's why a big NO.


"Alam mong hindi talaga kita mapag-bibigyan. Sorry bes pero ayoko talaga. Alam mo namang nakaukit na sa kaluluwa ko ang salitang 'awkward' kaya baka masira ko lang yang project mo. Ako pa ang magiging dahilan ng pagbagsak mo. Sorry talaga."

"Hindi ka ba naaawa sakin bes? Grabe ka naman. Gusto mo pa bang umiyak ako sa harap mo? Gagawin ko yun pumayag ka lang talaga."

"Nakaka-awa ka tignan bes infairness. Pero dahil kilala kita, hindi na tatalab sakin ang acting skills mo. Alam kong mass com ang course mo kaya wag mo na kong dramahan." tinignan niya lang ako ng masama. Haha! 

"Pero ito totoo na, naf-frustrate na talaga ako kung pano kita mapapapayag!" I just laughed at her. She really look frustrated. If she could only see her face, kahit siya mababasag yung salamin. Hahaha!

"Maghanap ka nalang kasi ng ibang prospective! Hindi mo talaga ako mapapa-oo."

"Talaga?"

"Talaga." 

"Talagang talaga?" Kulit talaga nito.

"Talagang talaga." Walang makakapag-pabago sa desisyon ko. As in wala.

"Kahit sabihin kong ang male protagonist ay si Yohan Esguerra?"

"Kahit sino pang pogi ya-----teka, si Yohan ba kamo!"

"Kanina mo pa ko pinapahirapan dito si Yohan lang pala ang katapat mo! Bwisit ka!" Bakit ba kasi hindi niya agad sinabi yung part na about kay Yohan? Kasalanan niya kaya!

"Kinakabog mo yata ako Yasmine eh. Imposible!"

"Huh! Walang imposible sakin no!" proud na proud niyang sabi. So seryoso talaga? As in?!

"Seryoso ka nga? For real?!"

Jusko Lord! Ito na ba? Ito na ba yung laging laman ng prayers ko? Na makasama ko si Yohan?! Naging mabait na nilalang na ba ako? Oh my gosh! Nae-excite ako!

Hired GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon