PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Jan 10, 2020
At maya maya ay nag hugis tao na ito, iba't iba ng laki, ng anyo at lahat ay armado ng mga sandata..
"Ito ang aking mga kawal! Tikman niyo ang ganti ng magandang baklang api!" ang sigaw niya at mula sa kanyang sampung daliri ay may lumabas na mga enerhiyang tali at tumugon sa likod ng kanyang mga kawal.
Sa isang kumpas niya ay tumayo ang mga ito at lumipad patungo sa amin.
Part 27: Ang Sagradong Sinulid
KAPITAN JUHO POV
Lumipad patungo sa amin ang sampung kawal ni Ugigi. Iba iba ang anyo ng mga ito. Mayroong mukhang halimaw, mayroong mukhang tao, mayroon ring kaiba ang kulay ng balat. Ang bawat isa ay armado ng mga sandata, espada, palakol, baril, sibat at kung anu ano pa. Agad akong nag tatakbo patungo kila Cookie. "Humanda kayo! Lalaban tayo!" ang sigaw ko sabay labas sa aking espada at palakol. Nag liwanag ang aking likuran at sumibat ako ng pag lipad patungo sa mga kalaban.
Sina Cookie at Tibur naman ay inihanda ang kanilang mga sarili sa ibaba. Dito ay nakipag palitan na sila ng pag atake sa halos 6 na kalabang sumusugod sa kanila.
Lumilipad pa rin ako sa itaas. Apat ang aking kalaban kaya't kada atake nila ay sinusuklian ko ng pag atake rin. Ang lahat ay mabibilis kumilos, ang kanilang pag hataw ay may pwersa rin at hindi mo iisipin na puppet lang ng kalaban ang kanilang mga katawan.
Maya maya ay dumistansiya ako at nag liwanag ang aking palakol, inihataw ko ito sa isang palapit na kalaban. Sumabog ang aking atake sa ere dahilan para sumabog ito at mag kagutay gutay.
Sa ibaba naman ay naroon sina Cookie patuloy nakikipag laban, takbong walang humpay ang kanilang mga ginagawa. Kaya naman agad akong lumipad patungo sa kanilang tulungan silang bawasan ang kalaban..
Hinabol ako ng tatlo pang natitira sa aking harapan.
Naging magulo ang buong palid, kahit saan ka lumingon ay mayroong puppet na lumilipad at nag papakawala ng mga laser, apoy at mga sibat.
Maya maya ay lumipad ang apat na kalaban sa itaas. Nag patong patong sila at sabay sabay na bumukas ang mga bibig. Nag liwanag ang mga ito at nag ipon ng enerhiya..
Makalipas ang ilang sandali ay bumuga ang liwanag sa kanilang mga bibig, bumulusok ito sa aming kinalalagyan.
Dahil ako ang pinaka mabilis kumilos ay naisipan kong hilahin ang katawan nina Tibur ngunit laking gulat ko ng mag tatakbo si Cookie sa aming harapan. Tumalikod ito at nag liwanag ang bilog na bagay sa kanyang likuran..
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasiAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...