PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Jan 11, 2020
Nakahinga na kami, mabuti nalang at hindi nasira ng tuluyang barrier..
Tatayo na sana kami noong biglang gumalaw ang mga sandata at lumipad sa kalangitan. Muli nanamang bumalik ang libong patalim sa itaas namin.
At sa isang kumpas ng kamay ni Ugigi ay muli itong bumagsak ng sabay sabay. Walang tigil..
Walang patid..
Hanggang sa mga crack at mabasag ang aming harang..
Part 28: Luha sa likod ng Ngiti
KAPITAN JUHO POV
"10% nalang ang power ng barrier. Mawawasak na ito. Lalabas ako at sasaluhin ang mga patalim. Tumakas kayong dalawa. Narito ang capsule na nag lalaman ng isang maliit na sasakyan. Ilalabas kayo nito sa planetang ito at dadalhin direkta sa Earth. Kailangan ninyong mabuhay para kina Narding at Irano. Maliwanag ba?" ang wika ko sabay abot sa kanila ng capsule. Hinawakan ko ang aking espada at palakol at hinintay ang tuluyang pag kasira ang barrier..
Lahat kami ay duguan na..
Nasa ganoong posisyon kami ng hawakan ni Cookie ang aming mga kamay at nag wika. "Uuwi tayo ng buhay. Kung nandito si Narding o si Irano ay iyon rin ang sasabihin nila. Ang bawat laban napag tagumpayan nila dahil naniwala sila sa kanilang mga sarili. Ngayon ito na ang pag kakataon para maniwala naman tayo sa atin. Natutunan ko na ang buhay ay hindi puro lang pag papatawa o pag ngiti. Minsan ay kailangan rin nating maging matapang para maipakita sa ating mga sarili na karapat dapat tayo sa buhay na ating tinatamasa. Lumaban pa tayo.. kahit isang beses pa." ang wika niya habang nakatingin sa amin ng tuwid.
Ito ang unang pag kakataon na nakita ko si Cookie na umiiyak at nag sasalita ng seryoso..
"Masisira na ang barrier! Kailangan niyo nang umalis!" ang wika ko pero hindi natinag ang dalawa. Ang susunod na ginawa ni Cookie ay aming kinagulat..
Pinindot niya ang buton sa kanyang ulo at dito at lumabas ang malaking parol sa kanyang likuran. "Ano nalang ang mukha kong ihaharap kay Narding kung talunan akong uuwi?" ang tanong niya
Noong tuluyang masira ang barrier ay mabilis ito yumakap sa aming dalawa at kapwa kami idinapa, siya ang aming nakataas at naka harang sa mga patalim.
Tumama ang mga ito sa kanyang mala parol na likuran, bumabanda ang bawat pag atake ni Ugigi. Ang kanyang mga patalim ay sumasabog sa tuwing dumidikit sa harang ni Cookie.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasiaAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...