Chase' POV++++++++++++
Sinabihan ko sila Ethan,Mack at Blake na huwag muna kaming pumasok. Nandito kami ngayon sa CHATHMACKBLAKE's ROOM. Nabalitaan
din pala nila yung nangyari kanina... Actually,hindi ko din alam kung bakit ko siya biglang hinalikan eh.Yung tipong......
gusto ko na talagang malaman ng lahat na hindi ko talaga siya gf,pero nung sasabihin na niya kanina......parang biglang nagbago
isip ko....Parang ayokong mapahiya siya sa lahat.Eto talaga problema ko ehhh...pilit ko nang binabago ang sarili ko,pero
nangingibabaw pa rin ang dating ako.Dapat hindi ako maawa sa ibang tao.Ayoko nang ibalik ang dating Chase....Pero parang nakakakonsiyensya
naman...Nung kaninang tumakbo siya papalayo sa kin...Naramdaman ko yung pagtataka niya kung bakit ko siya hinalikan....Nagtaka
nga din ako sa sarili ko eh.Mukha akong ewan.Bakit ko ba kasi ginawa yun?? Nalaman ko na nga lang na nagpaexcuse siya sa
adviser namin eh.Sinama pa niya si Slater.
'Uy,Chase..ang tahimik mo ha.Naaalala mo ba yung ginawa mo kanina sa harap ng napakadaming estudyante dito sa HARRELL'S ACADEMY?? Haha!'---->Mack
'Tangna,pare,wag mo na ngang ipaalala'---->Ako
'Ayan kasi..basta-bastang nanghahalik.Lalo tuloy iisipin ng mga students na gf mo nga si Klei'---->Mack
'Ano nang gagawin ko ngayon??'
'Ang una mong gawin....humingi ka nang tawad kay Klei.Nabigla din siya sa ginawa mo eh.'--->Blake
'Gago,bakit ako hihingi ng tawad dun??'
'Siyempre,isa siyang babae.Malay mo ikaw pala first kiss nun.E di sinira mo ang pagkababae niya'
'Tsss...di na uso yan.Lahat ng babae,wala na,wala na ang dating Pilipina'
'Wow Chase pare! Ang lalim mo ngayon ah! May pinaparinggan??'--->Ethan
'Alam niyo na...'---->Chase
'Oo alam naming si Elise yan! E bakit biglang nag-iba pananaw mo?? Bakit ngayon galit ka na kay Elise?? Samantalang dati,lagi
mo pa siyang naaalala.'---->Ethan
'Napag-isip-isip ko kasing hindi na siya dapat alalahanin pa.Hindi na siya babalik.Kaya dapat lang na hindi ko na siya isipin'
I lied.Pero susubukan kong hindi na talaga isipin si Elise. Babaguhin ko na ulit ang sarili ko.Itotodo ko na.Ayoko nang maawa
talaga.Tangna! Bakit ba ko nagkakaganito?? dahil ba to sa nangyari kanina?? Well salamat at nangyari yun.Kasi lalo akong
namulat sa katotohanan!
'Talaga lang Chase ha.'--->Mackenzie
'Bahala si Elise sa buhay niya.Magpakasasa siya dun kay Clifford! Parehas silang walang kwenta!'
'Easy Chase...Napaghahalata ehhh'--->Ethan
'Ha?'
'Napaghahalata kang nagseselos kay Clifford'
'Tsss...gago! Hindi!'
'At napansin ko din yung mga words mo ah...Iba na bigla.'
'Wala ka nang pakialam.'
'Nagbago naman ang leader natin Mack,Blake! Iba na ulit si Chase! Siguro dahil kay Klei no? Lalong nagiging bad boy si Chase ah'
'Oo nga! Hahaha! Keep it up boy,pero wag sosobra ha'--->Mack