--------CHASE' POV-----------
Nagdadrive na ulit ako pauwi..Si Isaiah,nakakapit sa bewang ko na naman kasi mabilis na naman ang pagpapaandar ko....
Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit bigla ko siyang niyakap sa harap ng maraming estudyante ng Harrell's Academy...
Bakit ba ganito ako ngayon?? Lahat ng ginagawa ko,hindi ko alam kung bakit ko ginawa.Kung ano ang dahilan ko kung bakit ko ginawa...
Basta ngayon,parang nagdedesisyon ako nang basta-basta..Hindi ko pinag-iisipan.... Pero wag niyong isiping may gusto ko sa kanya ha..
Wala lang...parang close na kasi kami kahit kailan lan kami nagkakilala..Parang ang gaan ng loob ko sa kanya agad...Kakaiba kasi siyang P.A..hindi siya katulad nung dating mga P.A ko...masyadong serious sa work nila kaya siguro hindi nagtatagal sa kin.... Pero etong si Isaiah,parang wala lang sa kanya yung trabaho niya.Paeasy-easy lang siya lagi.Kahit lagi ko siyang sinusungitan...
Alam niyo....Hindi naman talaga ko masungit eh..Hindi ako masamang lalaki.... Ano ba yan! Gusto ko tuloy magkwento sa inyo ng buhay ko dati nung kami pa ni Elise...Kaso maaalala ko na naman si Elise...
Gusto niyo ba ikwento ko sa inyo???
SIGE NA NGA!!!
Ganito kasi yun.....Di ba 4 years naging kami ni Elise?? Ang totoo niyan hindi talaga ko kilalang masama,masungit,isanabero dati...Mabait talaga ko..Promise ..kaya nga nagtataka sa kin yung mga estudyante ngayon eh...KAsi nag-iba na daw ako,pati ugali ko...Yung kanina sa restaurant,nagtaka sila kung bakit ako nanampal ng babae kahapon..E hindi ko naman talaga gawain yun dati...
Dati,complete uniform pa sinusuot ko..Ngayon hindi na.Ayoko na! Wala na din naman ang lahat eh... Tapos hindi talaga ko natutulog lagi sa klase..Lagi akong nakikinig..Kasi alam kong nandyan si Elise sa tabi ko.Magkaklase kasi kami ni Elise dati.Kaklase din namin yung Clifford na yun...
Pinagbubuti ko talaga ang pag-aaral ko...kasi...may inspirasyon ako eh....Pero eto ang hindi ko malilimutan......Ang araw na nag-usap kami ni Elise....Habang si Clifford naghihintay sa kanya sa labas...
+++++++++FLASHBACK++++++++++++
'Ano bang pag-uusapan natin? Uwi na tayo.Gabi na El...'
El ang tawag ko sa kanya nun...Ang tawag naman niya sa kin ay Cal..Short for Caleb
'Mahalaga to Cal...'
'Ano ba yun?? Atsaka,kasabay ba natin si Clifford sa pag-uwi??'
'Cal,mahal ko na si Clifford.Kami na...'
'Ha??'
'Naging kami ni Clifford nung isang araw...'
'Ano ba yang pinagsasasabi mo??!'
'Plano na naming mangibambansa'
'El stop!'
'Cal,nakikipagbreak na ko... T________T'
'Nakikipagbreak?? Nang dahil sa Punyetang Clifford na yan?? Sa tingin mo,papayag akong makipagbreak ka sa kin ha???!'
'Kung ayaw mo,hindi kita pipilitin....Pero sasama pa rin ako kay Clifford!'
Tumakbo siya......... Pumunta siya kay Clifford.....Iniwan nila kong mag-isa....Hindi ko alam kung san ako pupunta....
Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay..... Wala na siya....iniwan na niya ko.......T__________T
******END OF FLASHBACK*********
Simula nun,pinangako ko sa sarili ko na magbabago na ko..Na ibang Chase na makikita nila at makakasama ....Kaya nagpakulay ako