1

185 6 0
                                    

A/N: Ginawa ko na siyang One Shot Story. Magiging busy na kasi ako. Enjoy reading po.

" MINDY !!!!!!!!! "

Isang malakas na sigaw ang nagpahinto sa aking paglalakad at kasabay iyo ay ang pag tingin sa akin ng ibang mga studyante. Pashnea!

Dahil sa asar ko dahil pinagtitinginan na naman ako ng mga kutong lupang mga studyante ay binilisan ko ang aking paglalakad.

By the way. I am Yexel Mindelle Martinez Tuazon. Mindy for short. Never call me by my First name or you'll talk with my Fist. Anyway, I'm 22 years old. Graduating na din sa kurso na Business management. Finally konting tiis na lang talaga.

Napahinto naman ako sa pangalawang beses ng may humarang saakin. Yung taong pinagsisigawan ang pangalan ko.

" D*mn! What is it this time Abbygail ?! " pagalit na tanong ko sakanya. At nakita ko naman na bahagyang ngumuso ito pero ngumiti lang din kalaunan.

She is Abbygail Thomas, Kaklase ko sa lahat ng subject. At sinasabi niya na mag kaibigan daw kami. Siya lang ang may sabi. Because I don't need one. At umiinit na naman ang dugo ko dahil sa ngiti na nakikita ko sa kanya.

Kaya di ko mapigilan na kumunot ang noo at tinulak siya at walang lingon lingon na umalis.

Naiinis ako sa twing nakikita ko na nginingitian niya ako, Ayokong makita siyang masaya. At kahit na yung pagmumukha niya. Nakaka sira ng araw ko.

" Grabe, Ang suplada mo pa rin. Hello nasa Last year na po tayo. Maging friendly ka din kahit minsan " sabi nito ng makasunod na saakin pero di ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

" Mindy, Ikaw pa din ah ? " bungad saakin ng Vice president namin sa department si Venice, kaya tumango lang ako at umupo sa bandang likuran.

Gusto nila na ako pa din ang maging president ng department gaya ng dati. Sabi ni Venice ay mas maganda pag ako ang mamuno kasi madaming takot saakin.

Wala naman din akong pake kung may magiging matigas ang ulo sa department. Dahil wala akong pake kung mag balik-balik man ako sa guidance. Dahil sa panununtok.

Kaya siguro halos lahat takot saakin. Kasi iba daw ako magalit. Tsk! Langpake!

" Kamusta bakasyon mo ? " sabi na naman ng feeling friend ko habang umupo ito sa tabi ko kaya napairap ako. Oh please!

" None of your business "sabi ko dito kaya narinig ko itong bahagyang tumawa.

" What's funny ? " seryosong tanong ko dito pero di siya nililingon dahil doon ako nakatingin sa board.

" Nuh! I miss you " sabi nito parang wala lang kaya tinignan ko ito ng walang halong emosyon.

" Stupid " yun lang ang sinabi ko at tumaas na naman ang dugo ko ng makita ko yung ngiti na palagi niya ginagawa. Fvck! Kakasira ng araw.

Kaya padabog na ako na tumayo at umalis sa room namin. Nakakabwesit ang babaeng yun. Ewan ko ba! Bakit dikit ng dikit yun saakin.

Simula ng mag transfer siya dito nung 2nd year pa kami ay palagi na siya lumalapit saakin.  Pero lagi ko lang naman pinapahiya. Naiinis ako sa kanya kasi palagi ko na nga itong tinataboy at sinasabihan ng kahit na anong salita ay di parin siya matitinag at nginingitian niya lang ako.

She's a Fake. That's why I hate her !

***

" Ms. Tuazon, I've heard from Ms. Dee na hindi ka umattend sa klase niya kanina. " bungad saakin ni Ms. Fritz dean ng Department namin.

TornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon