End

15 0 0
                                    

Bihis ang lahat ng puting damit na abot sa kanilang tuhod. May ibang nagpakulot at talagang nagpaayos pa ata sa salon. Ang ilan ay humihingi na ng kapirasong ribbon sa photographer na tipo nilang kumuha ng kanilang litrato para sa pag-akyat mamaya sa entablado. Mga magulang na mas magara pa ang make-up kaysa sa anak nilang magtatapos. Mga tindera ng bulaklak, pins pati na rin meryenda at kutkutin na pwedeng pangtawid-gutom para sa programa mamaya. Mga nagyayakapan at nag-iiyakan na dahil mamimiss daw nila ang isa't-isa. Mga guro na panay na ang bati sa mga estudyante nila kahit wala pa man ang opisyal na anunsyo. Lahat ay abala at nag-aabang sa pinakahihintay nilang pagtatapos. Lahat. Maliban sa isa.

Si Gelo. Sya lang ata ang hindi masaya sa araw na 'to. Sya lang ata ang hindi excited at parang hindi pa handang iwan ang paaralang nagturo sa kanya tungkol sa mundo, tungkol sa mga pangarap, at maging tungkol sa pag-ibig.

*** GELO ***

"Gelo! Gelo!", sigaw ng kanyang kaklase.

"Lika, picture tayo nina Belle. Remembrance!"

Si Belle nandito na? Wala man lang text o tawag na nandito na rin pala sya?

Umiiwas pa rin ba sya dahil sa naging desisyon ko? Pero pinag-usapan na namin yun. Uuwi naman ako every weekend at bakasyon para makasama pa rin sya. Para hindi all through college years ay LDR kami.

"Uy Cojuangco! Halika na."

"Oo, susunod na."

-

"Students and parents, please go to your respective lines now. The program will start in five minutes."

*** BELLE ***

Feeling ko, ito na ang most memorable moment of my life. Bakit? Una, today is my graduation day! Sa wakas, I'll get na my diploma for highschool. Pero syempre, sad kase hindi naman pwedeng sa iisang college kame lahat. Just like my boyfriend.

I know that's what he wants. Pangarap nya yun eh at nirerespeto ko yun. Pero ewan ko ba, I just can't help thinking about things.

Alam nyo naman those stories of highschool sweethearts and romances. It just kills me inside.

"And now, may we call him on stage for his salutatorian speech, Mr. Angelo Cojuangco."

"Good evening batchmates, teachers, parents and to our guest speakers. Today, we will witness how time flies so fast. Imagine the first day of our freshman year, it was like it just happened yesterday. But look at us now, all together wearing our togas.."

I know. I know. Nasa introduction pa lang si Gelo. Pero ano? I'm almost crying here!

Yes I can imagine yesterday. All yesterdays of being here, studying here, and being with him.

Ang hindi ko ma-imagine eh ang tomorrow.

Tomorrow without him.

...

"Isabelle!"

"Yes? Ganda ng speech natin ah? You just made me cried. Again."

"I'm sorry."

"Okay lang. Can we talk?"

Fell Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon