#FITTL | Chapter 18
Nakakainip.
Halos mag-iisang oras na akong nakatayo rito sa waiting shed, panay ang paglingap ko sa paligid at pagsilip sa orasang pambisig ko, wala parin kasi si Hestian.
Wala ring tawag o text mula sa kanya na hindi niya ako susunduin ngayon, ang huling mensahe pa nito ay yung kaninang umaga na susunduin niya nga daw ako.
Nakakainis, kung alam ko lang na paghihintayin niya ako ng ganito katagal ay sana pala sumabay na ako kay Sunshine na pansamantalang ginagamit ang sasakyan ko.
Asar akong napapadyak, hindi ko na napigilan pa ang sariling hugutin ang cellphone at i-dial ang numero ng hudyo. Nag-ring ito, ngunit mamumuti nalang ang mga mata ko'y wala paring sumasagot sa kabilang linya.
Kunot noong inulit ko ang pagtawag. “Bwisit naman..” mahinang bulong ko sa sarili, muli kong nilingap ang paligid. Mag-taxi nalang kaya ako?
Pero sige, hintayin ko pa siya ng konti.
Ilang sandali pa ako naghintay bago may humintong sasakyan sa harapan ko. Napatitig ako sa salamin ng bintana nito, pamilyar ang sasakyan. Nang bumaba ang salamin at dumungaw ang may-ari ay mahina akong napasinghap, siya naman ay tipid na nakangiti sa'kin.
“Eren..” bigkas ko sa pangalan nito, bahagya itong tumango.
“Waiting for someone?” tanong niya, dalawang beses akong tumango. Titig na titig ako sa malamlam nitong mga mata, nakalabas na pala siya ng hospital.
Gumala ang mga mata ko sa kabuuan ng mukha ni Eren, may mga pasa at ilan pa sa parte nito ay may band aid. Nakaramdam ako ng awa.
“Ihatid na kita sa apartment mo..” mahinang sambit niya, pilit akong napangiti. Nakakahiya kung tatanggapin ko ang alok niya gayo'ng kahit isang beses ay hindi ko man lang siya nabisita sa hospital, isa pa'y boyfriend ko ang may kasalanan kung bakit siya nadala roon.
Umiling ako, “Ayos na 'ko, parating na 'yung susundo sa'kin.”
Natikom niya ang mga labi niya bago tatango-tangong nag-iwas ng tingin, “Ok. Aalis ako kapag dumating na siya.”
“Eren, please. Okay lang ako dito, parating na 'yon.” nakaramdam ako ng pagkataranta, naalala ko yung kwento sa'kin ni Sunshine no'ng nakaraang linggo. Paano kung madatnan siya rito ni Hestian?
Hindi siya sumagot at hindi rin kumilos, nakatitig lang siya sa mukha ko na tila kinakabisado ang bawat detalye nito. “I really love those deep blue eyes of yours, Skyline.”
Hindi ako nagsalita o nag-react man lang.
Bumuga siya ng hangin, “I'm always right here for you, Sky. If you need me, you already know where to go.” aniya at tipid akong nginitian bago itinaas ang salamin ng sasakyan niya, segundo at umalis na rin ito.
Saglit akong napatitig sa kawalan bago ilang beses na kumurap, pagak at tipid akong natawa. Kung bakit naman kasi hindi niya makita si Sunshine? At least yung kaibigan kong 'yon, mamahalin siya at hindi sasaktan.
Nagutla ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko, mabilis pa sa alas-sieteng hinugot ko ito at tiningnan ang screen.
Tumatawag si Hestian.
Nanggagalaiting madiin kong sinagot ang tawag nito, “Ilang oras mo pa ako paghihintayin dito?” asar kong bungad.
Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya, kahit papa'no ay nakatulong iyon para bahagya akong kumalma.
“Relax, I'm coming.” anito.
“Relax? Higit isang oras na 'kong naghihintay dito.” kunot noong sagot ko.
“My fault, alright. I'll be there in a heart beat.” yun lang bago nito putulin ang linya. Gigil akong napasuklay sa sariling buhok.
Hindi rin naman lumipas ang limang minuto't natatanaw ko na ang sasakyan niya. Nang huminto iyon sa harapan ko'y lukot na lukot ang mukha ko, lumabas siya mula sa driver's seat na nakasuot pa ng pangpormang salamin, suot rin nito ang natural at malaki nitong ngiti, akala mo walang pinaghintay ng higit isang oras.
Inalis niya ang suot na salamin at agad namang tumapon sa'kin ang kulay abo nitong mga mata, naglakad siya papunta sa pwesto ko.
“Ano pa bang ginawa mo at natagalan ka? Sana sinabi mo nalang na hindi mo ako masusundo para sumabay na ako kay––” naputol ako sa paglilintanya ko ng mabilis nitong sakupin ang mga labi ko, ang isa rin nitong palad ay dumiin sa batok ko.
“I'm sorry.” bungisngis nito ng humiwalay sa'kin, nag-init ang mukha ko't mahina siyang itinulak sa balikat, sunod ay nilampasan ko siya at naglakad palapit sa nakaparada niyang sasakyan.
Inunahan niya ako sa pagbubukas ng pinto, ngiting-ngiti parin siya na tila inaasar na ako. Inirapan ko siya bago pumasok sa loob.
“Sa susunod magte-text ka kung mala-late ka ng dating o hindi na makakapunta para hindi ako nagmu-mukhang tanga na naghihintay doon.” masungit kong sabi ng marating ang harapan ng building ng apartment ko. “Tsk.” inis kong binuksan ang pinto, lumabas ako at ganoon rin naman siya na kanina pa malaki ang ngiti. Mas lalo akong naaasar.
Hindi ko na siya pinansin at mabilis ng naglakad papasok sa building.
“Nanggaling ako sa airport, I picked up my sister that's why.” anito mula sa likuran ko, bumigat ang balikat ko ng akbayan niya ako at idikit sa katawan niya. Nanalimuot sa ilong ko ang panlalaki nitong pabango.
Pumiglas ako at sinubukang alisin ang braso niyang nakapatong sa balikat ko, pero wala ring bisa ng mas lalo niya lang pabigatin ang pagkakapatong ng braso niya ro'n.
“Argh, Hestian! Ano ba, ang bigat mo!” angil ko ng halos pasanin ko na ito. Napuno ng halakhak niya ang madilim na hagdanang tinatahak namin.
“You're mad, hm?” tanong niya at dalawang braso na niya ngayon ang nakapulupot sa'kin, akap-akap niya ako habang naglalakad kami pataas sa hagdan.
Nagpakawala ako ng isang marahas na paghinga, pagkwan ay buong lakas kong kinalas ang mga braso niya't naglakad ng mabilis. Lakad-takbo na ang ginagawa ko.
“Vanilla ice cream, wait.” tumatawa itong sumunod sa'kin, napangiwi naman ako sa itinawag nito sa'kin. Sari-sari nalang talaga.
Nang marating ang pinto ng apartment ko'y mabilis ko itong nabuksan gamit ang susi, nang makitang malapit na sa pwesto ko si Hestian ay paspasan akong pumasok sa loob. Akma ko ng isasara ang pinto ng iharang niya ang braso niya.
“Ouch!” daing nito ng maipit ang braso, ako naman ay tarantang muling napalabas. Himas ang naipit na braso'y kunot-noo siyang nakatingin sa'kin.
“Sorry. Ikaw kasi eh, sunod ng sunod..” mahinang sambit ko, sinubukan kong tingnan ang braso niya at hindi naman siya umiwas.
Namumula lang iyon, malayong ikamatay niya.
Napasuklay ako sa buhok ko, “Sorry, ulit. Salamat sa paghatid.” pasasalamat ko, hindi makapaniwalang tiningnan niya lang ako. “Ano pa?” nakataas ang isang kilay na ani ko rito.
Hindi parin siya nagsalita at humalukipkip lang, tila may hinihintay.
Ah, baka goodbye kiss.
“Ok, goodnight.” sabi ko't lumapit sa kanya, kaunti akong tumingkayad para maabot ang labi niya. Ang balak kong maikling paghalik ay hindi natupad ng idiin niya ang sarili sa'kin, hindi ko na namalayan kahit ang pagpasok namin sa loob ng apartment ko na nananatiling magkadikit ang mga labi.
“You started the fire, sugar. Don't blame me.” anas niya at inisang hiklatan ang suot kong blouse.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Ficción General- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky