Chase' POV
Naiinis ako kasi umalis sila nang hindi ako sinasama o kaya naman sinasabihan..! TANGENA! parang naiitsapwera lang ako dito eh!
Sinundan ko silang dalawa.Nagpunta sila sa isang dagat...
kakainis talaga!!!!! Ako naman nakatanaw lang sa kanila sa malayo para hindi nila mapansing sinundan ko sila!
Si Blake....Ano ba talagang gustong gawin ng gagong yun???? At naghubad pa talaga ng t-shirt niya????? Ang kapal ng mukha ahhh! >___________<
Gusto ko na tuloy iiwas sa kanya si Isaiah!
Tapos naglaro sila sa dagat.Mukhang masaya sa kanya si Isaiah....E pambata naman yan....Kainis!
Tapos humiga sila sa buhangin....Nakukuha pa nilang magganun?? Hindi man lang nila ko inaalala!PUTAKTE talaga!>______<
Tapos kakapit-kapit pa sa kamay ni Isaiah yang si Blake!
May pinag-uusapan sila eh.Kaso hindi ko marinig!
Nagulat pa nga si Isaiah eh.nag-usap sila ......
Hay nako,ewan ko parang pinapana ako ngayon eh..!Sakto sa puso!
Ano ba naman to!!!!!!!!!
Umalis na ko kasi ayoko na silang makita.Nabibwiset lang ako......
Pumunta ako sa medyo malayo sa tent....
Nahiga ako ng kaunti.Sinubukan kong matulog pero hindi! Hinde ako makatulog!!!!!!
enfermo a mi cabeza le kakaisip! (Nasakit na ulo ko kakaisip ko sa kanya!)
nAPAGdesisyunan kong bumalik na lang sa tent....
Wala pa yata sila...kakainis...grabe namang moment ang ginagawa nila! Hindi ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't-isa??
Tssss.....
Makapasok na nga lang sa tent! Dito na lang ako matutulog! Hapon na pala ! Parang ang bilis ng oras!!!!!!!
Binuksan ko ang tent atsaka,agad-agad pumasok.....
'AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!'
SI SI SI SI>>>>>>>>>>>>>>>>>
ISAIAH!!!!!!!!!!!!!!!!!
TANGENA! NAKAANO LANG!!!!!!!!!!!!!!!
PUTEK PUTEK!!!!!!!!!!!!!!
DI AKO MAKAGALAW!
'LUMABAS KA DITO BOAST! BASTOS KA!!!!!! LABAS! LABAS!'
tapos tinakip niya yung damit niya sa katawan niya......
Hinampas niya ko ng unan...
'OO NA! HINDI KO NAMAN SINASADYA NA PUMASOK EH!'
'LUMABAS KA NALANG!!!!!!!!!'
Tapos hayun,lumabas na ko....
EEERRRRRRRRRRRRRRR >____________< Bakit hindi ko napansin na may tao pala sa tent?????
Kasalanan din naman niya yun eh....kasi hindi siya nagpapasabi na nandun pala siya!
Nakita ko tuloy....Buti na lang at hindi pa siya nakahubad nun ...nakaano pa kasi siya nun eh...Pero malaswa pa rin...
errrrrr! wag na nating pag-usapan....
Nasan na ba si Blake??Tssss....
Maya-maya lang lumabas na si Isaiah....
Nakasuot ng long sleeve at nakatokong....Ang baduy talaga niya magdamit.Pero lahat ng sinusuot niya bagay sa kanya....Ano bang meron sa katawan niya?? TSK TSK
'Kunwari wala kang nakita ha!'---->Isaiah
'Oo na! Wala naman akong makikita sayo no!'
'Ang kapal mo din eh no!'
I lied...sa totoo lang...nakakahiya man sabihin...pero ang laki kaya....hahaha!!!!!!!! napakagreen-minded ko eh!!!!!!!
Wag na nga! Sabihin niyo pang bastos ako!!!!!! >____________<
'Nasan nga pala si Blake?'
'Naghahanap ng pagkain...'
'Maghahanap din ako'
'Kaya mo kaya??'
Yung tono niya..parang nang-iinsulto eh!
'Ano ba naman yang sinasabi mo??Hindi ko gusto tabas ng bibig mo ah!'
'E ang alam mo lang naman ay humilata at kumain! '
Bakit ganyan sya magsalita????? ANG BASTOS ah!!!!!
'Wag mo kong pagsabihan ng ganyan dahil hindi mo ko kilala!'
'Ako?? Hindi kita kilala??? Alam na alam ko na ugali mo Chase! '
'Wala kang alam sa kin!No sabes nada de mí,(WALA KANG ALAM TUNGKOL SA KIN!)'
'Meron! Araw-araw iba babae mo! Hindi ka makuntento sa isa! Tapos hobby mo na ang pakikipaghalikan! Ano pa ba ang hindi ko alam sayo??'
'Ikaw naman,lagi kang nakabuntot kay Blake! Wala na kayong ginawa kundi maglandian! '
'SUre ka??? Ganyan na pala tingin mo sa kin! Kaibigan ko kasi si Blake kaya lagi kaming magkasama...At isa pa,mabait kasi siya..hindi katulad mo!! Pinagsisisihan ko nga at naging P.A mo pa ko eh!! Kaya pala walang nagtatagal sayo kasi napakasama ng ugali mo!'
Nanakbo siya...Bakit ganun...??? Gusto ko nang umiyak...Pero hindi pwede...bakit siya ganun magsalita???
Iba na siya...dahil ba kay Blake???
Sinundan ko siya...kahit ano pang sabihin niyang masasakit sa kin,ayoko nang magpaapekto....
'Isaiah!!!'
takbo pa rin siya nang takbo.San ba siya pupunta?????
'Isaiah!!!!!!'
Mali ba ko ng pagkakasabi??? Nasaktan ko ba siya????? Tell me please! Ano ba to??????!
Me encanta que tal vez (MAHAL KO NA YATA SIYA)
Mahal ko na ba siya????? Mahal na ba kita Isaiah?? Pero hindi pwede!
Bakit ganito?????
Sa wakas,huminto na siya....Ang layo na ng narating namin sa tingin ko....
Hindi ko na alam to..
Nasan na ba kami???
Pinuntahan ko siya...Naiyak siya.....Nahagulgol na siya...Ganun ba talaga kasakit ang nasabi ko sa kanya?? Mas masakit pa nga yung sinabi niya sa kin eh.....>_______<
'Isaiah!!'
Kinapitan ko siya sa braso.
'Wag mo kong kapitan! Di ba malandi ako???Kaya wag mo kong kapitan!!'
'Sorry na....'
'Bakit? Bakit ka biglang nagsosorry??? Malandi ako di ba??'
'Hindi ko naman gustong sabihin yun sayo ehhh..nabigla lang ako....'
'Umalis ka sa harap ko! '
'Ven con parientes!(Sumama ka sa kin!)'
'Ayan ka na naman sa salita mong ewan!'
'Ayokong umalis nang hindi ka kasama dahil te amo'
'0__________0'
'Alam ko,alam mo na ang ibig-sabihin nun.....'
'Wag mo nga akong lokohin! Wag mo kong isama sa collection mo ng mga babae!'
'Hindi ako nanloloko....Bigla ko na lang naramdaman na nagseselos ako sa inyo ni Blake....Alam kong selos ang nararamdaman ko.....Hindi ko nga alam na mi------'
'Tumigil ka na! Ang dami ko nang dinadalang problema,ang dami ko nang iniisip,wag ka nang makidagdag!'
Nanakbo siya...
'Isaiah!'