Kaizer's POV:Nasa bahay pa lang kami ng tumawag si Derick na bilisan namin dahil hinihintay nya kami sa Venue. Kaya pumunta na ako kay Manang Doris para tulungan syang bihisan si Danica. Ako naman ay tapos na din mag-ayos ng sarili ko.
Pagkadating ko sa kwarto ni Danica ay nakikita ko na syang nilalagyan ni Manang Doris ng powdersa likod nya.
"Hi." agad kong bati.
"Hello Daddy." ng bumati pabalik si Danica sa akin ay tumingin ako kay Manang Doris.
"Manang ako na po bahala kay Danica at magbihis kana po." nakangiti kong sabi kay Manang at tumango naman ito.
Nang umalis si Manang sa kwarto ni Danica ay tumingin ako dito nginitian sya.
"Big Girl be a good Girl in the party okay." tumango naman ito at niyakap ako.
Binihisan ko ng mabilis si Danica at bumababa na kami para doon na lang hintayin sa baba si Manang Doris.
Nang makita namin si Manang Doris na tapos na ay naghanda na kaming umalis. Habang nagmamaneho ako ay iniisip ko parin yung sinabi sa akin kahapon ni Khloe at ayokong maniwala na may asawa sya. Gusto kong masaksihan talaga kung may asawa na ba sya o wala.
Kung meron man ay susuko na ako para wala ng gulo.
Binilisan ko na lang ang pagmamaneho ko dahil nakikita ko sa cellphone ko na tumatawag si Derick pero hindi ko iyon sinagot dahil may kasama ako sa kotse.Mga ilang oras din ang byahe namin at nakarating na kami sa Venue saka ko tinawagan si Derick.
"Bro nandito na kami sa parking lot."
"Sige sunduin ko kayo dyan." umoo na lang ako at hinintay si Derick sa loob ng kotse.
Hindi naman nagtagal ay may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko at nakita ko na lang si Derick doon.
Binuksan ko naman ang Bintana at ngumiti sa kanya."So Congrats dahil matutupad na yung hinihiling mo na matali ka sa amazonang yun." natatawa kong sabi sa kanya at sya naman ay kumunot ang noo.
"Tss, bumaba kana dyan at pumunta na tayo sa loob nandoon na silang lahat at sila na lang dalawa ni Khloe at Karen ang wala pa sa venue."
"Okay, Manang Doris baba na po tayo at pupunta tayo sa venue." tumango naman si Manang Doris at bumababa kasama ni Danica.
Pagkababa ko ay tumingin ako kay Danica at ngumiti sa kanya.
"Big Girl say Hi to tito Derick." nakita ko naman na napatingin si Danica kay Derick na nakangiti. Pero si Derick ay nakakunot lang ang noo.
"Hi tito Derick."
"Hello, tara na pasok na tayo at baka papunta na sila dito."
Sumunod naman kami kay Derick at pumasok na sa venue. Nakita ko lahat ang buong angkan ng mga Fortaleza at ang pamilya ni Tita Krylle. Sa totoo lang sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan dahil ngayon ko lang din talaga sila nakita ng harapan.
Nang makapunta na kami sa upuan namin ay nakita ko sila ni Mommy at Daddy na nakaupo doon. Kaya pumunta ako sa kanila at binati silang dalawa.
Nang makita naman nila si Danica ay wala lang sa kanila dahil ayaw din nila sa batang ito ewan ko ba bat ganon.
Pero hindi ko naman pinalagpas na sabihan si Danica na magmano sa kanila pero sa akin sila nakatingin.
Ilang minuto na kaming nakaupo sa upuan namin ng biglang mag announce ang MC na paparating na ang dalawa kaya naghanda na kami.Habang iniikot ko ang paningin ko sa mga bisita ay napako ang paningin ko sa dalawang bata na naglalaro sa kabilang table na hindi kalayuan sa amin kaya napakunot naman ang noo ko dahil kasama iyon ng mommy at daddy ni Khloe.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomansaGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020