『𝐎𝐍𝐄-𝐒𝐇𝐎𝐓︱𝙴𝙽𝚃𝚁𝚈 𝟼』

2 1 0
                                    

ʻSimple Thingsʼ
04 : 11 : 18

⊰᯽⊱┈──╌❊╌──┈⊰᯽⊱


“SAWYER!!”

Sigaw ko pagkatapos kong pumasok ng condo niya.

'Hayy.. Nasaan na naman kaya yun?'

Nilapag ko muna ang aking bag at naglibot libot. Hanggang makapunta ako sa kusina.

Biglang kumalam ang sikmura ko.

'Shemay! Di pa pala ako kumakain. Makapagluto nga.'

I wore the apron I saw. Naghalungkat ako ng pwede ng lutuin sa kusina niya.

Sakto naman na may nahanap ako. A left over rice and Adobo.

Sinimulan kong maghiwa ng bawang, at itinabi ito. Pagkatapos ay ininit ko muna ang adobo. Then after that, dinagdagan ko ng unting cooking oil ang kawali. Nang uminit na, ginisa ko na ang bawang. Kasunod ang kanin.

Habang busyng busy ako sa paghahalo, nagulat ako ng may biglang yumakap sakin at pinatong ang kanyang baba sa aking balikat. Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa habang nakayap siya.

“Hmm...” habang tinatapos ang pagluluto ng sinangag.

“Ang bango naman niyan, heart.” banggit niya.

Napahagikgik ako sa kanyang sinabi.

“Syempre ako nagluto.”

Napatawa kaming dalawa sa aking tinuran.

“Iabot mo nga sakin yung lagayan, sweet.” turo ko sa lagayan na nasa may lababo.

“Okay, heart.” tugon niya at binigay ang lagayan sakin.

Sinalin ko ang sinangag at pinatay ang kalan. Binitbit ko iyon at hinain sa hapag-kainan.

“Kain na tayo.” sabi ko at umupo. Naupo naman siya sa tabi ko.

Sumandok siya at sumubo.

“Masarap ba??” tanong ko.

Tumango siya at linunok ang kinakain.

“Yes sweet. Pwede ka na talagang mag-asawa. Hahaha..”

Natawa na lang din ako at sumandok na rin nang para sakin.

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla niya akong tinanong.

“May lakad ka ba mamaya?”

Napailing naman ako, “Wala naman. Bakit?” sambit ko sabay subo ng sinangag at adobo sa bibig ko.

“Dito ka na lang muna ahh, sweet..” lambing niya sakin.

Tumango naman ako. “Opo, heart.”

Tinitigan niya ako at ngumiti. 

Nagpatuloy ang katahimikan hanggang sa natapos na kaming kumain.

After namin kumain, nagvolunteer si Sawyer na siya na daw maghuhugas. Kaya hinayaan ko at kumuha ng ice cream sa ref niya. Nagpadeliver din ako ng pizza. Takaw ko no?!

I opened the TV and watch a movie called Suicide Squad. I was eating the ice cream first when someone say beside me.

“Subuan mo ko, sweet...” Sabi niya sabay pout at yakap sakin.

“Say ahh..”

Ngumanga naman siya. Nang papalapit na sa bibig niya at bigla kong binalik patungo sa aking bibig.

Mas lalo pa siyang napanguso na tila ba nagtatampo. Habang ako naman ay tawa ng tawa sa kaniyang inakto.

“Dali na kasi!” reklamo niya na tita isang batang inagawan ng laruan.

Nginitian ko lang siya. “Okay. Ito na talaga.”

Sumandok ulit ako ng ice cream at sinubuan sa kanya.

Habang nanonood, saktong naubos ang kinakain naming ice cream ng biglang may nagdoorbell.

'Baka yung pizza na yun.'

“Buksan mo nga yung pinto, kupal.” Utos ko sa kanya.

Ayaw niya pa sana tumayo kaso tinitigan ko na siya ng masama.

“Sabi ko nga, ako na.”

Tumayo siya at pumunta sa pintuan upang buksan ito.

Lumipas na ang halos sampung minuto pero hindi pa rin siya bumabalik.

“Hoy! Sawyer! Asan na yung pizza?!” sigaw ko.

'Ang tagal naman.'

Tatayo na sana ako ng bigla siya ng sumulpot at pinatay ang TV.

Napakunot ang noo ko, “Bakit mo naman pinatay, sweet?!” halos sigaw ko sa kanya.

'Ang ganda ganda ng panood ko eh. Bastos! pinatay.'

Di niya ako sinagot at lumapit sakin.

Napakunot lalo ang noo ko ng lumuhod siya sa harap ko. Inangat niya ang takip ng box ng pizza. Napatakip ako ng aking bibig ng mabasa ang nakasulat.

ʻWill you marry me?ʼ

Yan ang nakasulat gamit ang mga pinya.

Napaluha ako. 'Di ko inaasahang gagawin niya ito.

“Alam kong hindi ka pa handa. Hindi naman din kita pipiliting pakasalan ako agad. Ang nais ko lang at masigurado at mamarkahan kang akin ka lamang. Kaya... Heart.. Pwede ka bang maging aking Mrs. Remington, Ms. Hani Jung?” sambit niya dahilan para mapatulo ang aking luha.

Hindi ko alam kong ano aking sasabihin. Napakasimple ngunit napakaespesyal.

“Hindi naman kita pinipilit. Okay lang kahit humindi ka.”

Natawa ako sa sinabi niya. Hinalikan ko siya at pinatayo.

“Sino bang nagsabing maghihindi ako?”

Napatitig siya sakin at inilapag ang hawak niyang pizza box.

“I love you.. I love you..” I said, cupping his face. “Yes! I'm gonna marry you, sweet. Payag akong maging asawa mo, sweet!” Masayang sambit ko sa kanya.

“YEESSSSS!!”

Nagtatatalon talon siya sa tuwa. He cupped my face and kiss me. Itinapat niya ang kanyang noo sa aking noo.

“I love you. I love you too, my future wife...” at hinalikan akong muli.





Indeed, when the person you love make an effort, it can make you smile even the simple things.

𝐌𝐨𝐨𝐧.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang