Chapter 25

21 10 0
                                    

Subrang sikip ng bahay nila Jona para saamin ni Elizer. Marami namang bisita pero para akong wala sa tamang pag-iisip dahil kanina pa tingin ng tingin saakin si Eli. Akala ko noong una ay nag a-assume lang ako pero pati sina Sky ay napansin narin 'yon.

Umuwi na ang mga bisita pero kami ay   nasa bakuran ngayon dahil ayaw pang umuwi ng mga kaibigan at classmates namin. Nag-iihaw at luto ng barbeque ngayon sina James at umiinom ng beer. Kami naman ay soft drinks lang dahil nga hindi naman kami umiinom ng alak.

"Sangkatauhan, hali na kayo at luto na ang mga pagkain!" Sigaw ni James. He motioned us to gather together kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumapit sakanila.

Napanguso ako, naging close agad nina Mau ang mga classmates ko. Parang ang tagal na nilang magkakilala.

Umupo ako sa gitna nina Jona at Pres na kanina pa hindi ako pinapansin dahil busy sa pagkain ng isaw. Para namang aagawan ko s'ya.

"Russel! Dalian nyo na. Dalhin mo 'yang mga kaibigan mo dito!"

Napatingin ako sa direksyon nina Russel, kasama si Darsel at Eli at kanina pa sila nag-uusap.

Nagtama muli ang mga mata namin ni Eli kaya naman ako agad ang umiwas ng tingin. Tingin ng tingin kasi saakin, mukhang na ko-konsensya sa ginawa n'ya saakin noon.

I scoffed. Lalo akong nawala sa mood nang makitang puro coke at sprite ang nasa harap ko.

"Nakita ko 'yon, Sab." Bulong ni Jona.

"Wala lang 'yon kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano." Sagot ko agad.

"Sige sabi mo eh."

"Gusto mo?" Inabot saakin ni Pres ang isang tusok ng barbeque.

Inismaran ko s'ya. "Buti at naisip mong yayain ako, kanina lang ay kain ka ng kain ah."

"Sorry." He chuckled. "Ilang buwan na akong hindi nakakain nito. Wag kang mag-alala, next week bili tayo ng marami nito."

"Five years na nakalipas, wala parin bang label 'tong si President at Sabina? Hina mo naman Pres."

Kasabay ng panunukso nila ay nabulonan si Elijah sa tabi ko. Tawang-tawa ako habang inaabot sakan'ya ang tubig habang s'ya ay mahinang sinusuntok ang dibdib.

"Tumigil na kayo." Sabi ko habang tumatawa parin. Nawala lang ang tawa ko nang dumating sina Russel at umupo sa tabi nina Sky.

"Eli, dito ka sa tabi ni Sab."

Napasinghap ako saka pinandilatan si Jona pero ang babae ay hindi man lang nakuha sa tingin, excited itong tumayo saka tumabi sa asawa.

"Mukhang uuwi ako ngayong baldado ah." Rinig kong bulong ni Pres na hindi ko na pinansin dahil naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

I gulped. Ang bango!

Pakiramdam ko ay nasa amin ang mga tingin ng mga kasamahan namin pero nang mag-angat ako ng tingin ay wala naman. May iba-iba silang pinagkakaabalahan.

Huminga ako ng malalim. Ayokong magkaroon kami ng issue lalo na't may asawa at anak na si Elizer.

Ex ko na s'ya at ayokong maging rason ako para makasira ng pamilya.

Ni hindi nga big deal sa mga classmates ko dahil nga narinig rin ng mga ito na kinakamusta ni Russel 'yong baby n'ya so alam na nilang may pamilya si Eli.

"So? Anong lalaruin natin?"

"Truth or Dare!"

"Corny mo, taena!" Binato ni Addy ng nilukot na tissue si James na ikinatawa namin.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now