Chapter 71: The Honeymoon

178 4 0
                                    

WARNING SPG!!!!

Skin to skin we touch...

Our body heats as much...

Your kisses and hug...

Your smell to me is like a drug...

I don't want to end this night...

I''ll cuddle with you so tight...

I don't mind the time that flies...

I'll make love to you until the morning rise...

JASMINE

Nandito kami sa cruise ship na pagmamay-ari ng mga Anderson. Ang honeymoon trip namin ni Lance ay iniregalo nila Ethan sa amin. It is a one month trip. Matapos ang kasal namin ni Lance ay agad din kaming lumipad para makasama sa cruise ship na ito. In fairness to the Andersons, their ship is really classy and exclusive for the elites. Talagang magaling sa negosyo itong si Ethan. Sabagay silang apat naman na magkakaibigan ay talagang magagaling in terms of business and connections.

This is our first day here in the cruise and I am very excited. This cruise will travel around Asia. Kung sila Bree noon ay sa buong Europe nagtravel, mas gusto namin ni Lance na magtravel sa buong Asia like Japan, Korea, Hongkong, Macau, Thailand, Singapore, Vietnam and many more. Sa sobrang dami hindi ko na malaman kung anong gusto kong banggitin at puntahan at lahat ng iyon ay pagkakasyahin lang namin ni Lance sa isang buwan dahil madami na kaming commitment pag balik namin sa Pilipinas.

Natatawa ako ng magreklamo siya noong kasal kung bakit daw isang buwan lang kami maghahoneymoon. Dapat daw three months man lang para masolo namin ang isa't isa ng matagal. Hindi ko nga makalimutan kung anong mga pagmamaktol niya habang nasa reception kami kahapon eh. Grabe yung inis niya nung pinakita yung mga pictures namin noong mga bata pa kami. Grabe talaga yung pagmamaktol niya.

Flashback from the reception:

"Hello ladies and gentlemen. Kung tatanungin nyo kung sino ang napakagwapong nilalang na nasa harapan ninyo ngayon, ako ay walang iba kung di si Josh Marcus Lee ang pinakagwapo at pinakaHot sa aming apat." paninimula ni Josh dahil magsasalita silang lahat para sa amin.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Liam.

"Ulol! Walang naniniwala sayo!" sabi ni Ethan.

"Ano ba! Wag ninyong sirain yung kasal ko!" reklamo ni Lance na nasa tabi ko.

"Hey... stop badmouthing each other." saway ni Miley kay Liam. Kinindatan lang siya ng magaling na lalaki.

"Tigilan ninyo na yang pag-aasaran." saway ni Amber.

"Prinsipe ko! Stop saying bad words... isa pang panget na salita mo, outside the kulambo ka mamaya sa akin." sabi naman ni Bree at nagtawanan kaming lahat. Si Ethan naman ay napakamot lang ng ulo niya.

"Ang ingay ninyo, well let me begin my message first." sabi ni Josh. "Pero bago yun, Jasmine... sure ka na ba talaga? Sabagay wala ka naman ng choice. Pirmado ka na eh. Basta if ever na magbago ang isip mo... tawagan mo lang ako... madami ako connections. Papawalang bisa natin kasal niyo at ipapatapon natin si Arthuro sa timbuktu!" sabi ni Josh na ikinatawa ko.

"Gago! Napakawalang hiya mo! Bakit ba kita inimbitahan sa kasal ko? Lumayas ka nga dito!" gigil na sabi ni Lance.

"Lance your words!" saway ko. Nakapout naman siyang tumingin sa akin.

"Eh kasi sweets eh. Inaapi nila ako." Pagmamaktol niya na ikinatawa ko. Hinalikan ko siya ng mabilis at nagtiliian ang mga tao.

"Hoy Josh! Bilisan mo na diyan! Baka ikaw ang ipatapon ko sa timbuktu kapag di mo inayos yang message mo!" sabi ko at natawa silang lahat.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon