CHAPTER 22

152 8 0
                                    

CHAPTER 22

BETRAY


CLEOPATRA

"IS SHE GONNA BE OKAY?" narinig ko ang boses ni Spade kaya napamulat ako ng mata.

"Yes! Umalis ka na! Ako na ang bahala sa kaniya." narinig kong tinaboy siya ni Jade. I heard the door shut close. Why is the blanket covering me up to my head?

I groaned as I felt the pain in my head. Ugh! Is this what they call hangover?

Bakit ba kasi uminom inom pa ako kagabi? Ginaya ko pa tuloy sina Rhyder at Vander eh parehong ugok ang mga 'yon. Kaya tuloy kung ano-anong nangyari kagabi.

Napabalikwas ako ng bangon. Forseti and I just kissed last night.

"Oh, you're awake. How are you feeling?" tanong ni Jade sa akin. I looked at her and saw her drinking coffee on the bedside table.

"My head hurts." sagot ko.

"Sige, inom pa." pinagalitan niya ako. I rubbed my arm. Napansin ko na suot ko pa pala ang coat ni Forseti at ang damit ko kagabi.

"Kaninong coat kaya 'yan?" tanong pa ni Jade. Tumikhim nalang ako at tinanggal ang coat. Siya naman ay tumayo at may binigay na gamot at tubig sa akin.

"Thanks." sabi ko at ininom na ang gamot.

"So, I'm having this crazy theory that you and Forseti made out last night." sabi niya. Naibuga ko tuloy ang iniinom kong tubig, mabuti nalang at nainom ko na ang gamot. Umubo ako.

"Jade! Anong pinagsasabi mo?" tanong ko habang umuubo pa rin. Hindi ko naman pwedeng sabihin nalang nang basta na naghalikan kami ni Forseti. Firstly, they know him as Miranda's ex and secondly, awkward lang talagang sabihin.

"Sa tingin mo, paano kayo nakapasok nang walang susi?" tanong niya at sumipsip sa kape niya. So she was inside this room last night?! Wait, bakit feeling ko interrogation ito?

"Hinatid niya lang ako." sabi ko sa kaniya.

"Talaga? Something was weird with Forseti last night. He has lipstick stains on his mouth which in case you didn't notice, exactly matches the shade of lipstick you're still wearing!" sabi niya sa akin. Pinakiramdaman ko ang labi ko at may lipstick pa ako hanggang ngayon. Putangina, red pa talaga!

"And his hair was very disheveled. 'Yong totoo, Cleo? Nirape mo ba siya?" tanong niya sa akin. Namula na ako sa kahihiyan.

"Hey, Sherlock, bakit naman sa tingin mo ako ang kahalikan niya?" tanong ko. Sige, deny pa, Cleo.

"Well, except for the fact that your wearing his coat and your lipstick is smudged and messy, you have hickeys." sabi niya. Kaagad akong napatayo sa sinabi niya.

"Hickeys?!" pag-uulit ko. Itinuro niya ang salamin sa dorm.

"See for yourself." sabi niya. Halos matumba ako para lang makarating sa salamin. And Jade was not joking, I have freaking four hickeys! Four!

"Spade will freak out if he sees those. Sasabihin niya, 'Iniwan ko lang saglit ang date na pinaghirapan ko, pagbalik ko nanakaw na ng iba!'. Honestly. that's the reason why I covered you with a blanket." sabi niya pa. Shit! Bahala na si Spade!

"Paano ako papasok na ganito?" I frustratedly said.

"Just wear a scarf or a turtleneck. Or you can injure your neck and have a neck cast. Trust me, no one will ask." sabi niya pa.

"Jade!" sabi ko. Napatawa siya.

"Lalagyan ko nalang ng concealer, okay? Bakit ba kasi ganiyan? Laplapan lang ha, walang higupan." she suggested. I sighed as I went back to bed.

Cleopatra: The Zombie SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon