{Chapter 13} *Anyare?*

21 1 0
                                    

{Chapter 13}

 

~ADESINA's P.O.V~

 

2 weeks na nang magsimula ako bilang P.A ni young monster. Mabilis ba? Wala tayong magagawa. Yan ang kapalaran dahil boring ang buhay ko. Sabi ko naman sa inyo. Hindi gaanong kagandahan ang kwento ng buhay ko. Kaya wag nyo kong sisisihin kung nabobore na kayo okay? ;)

So ayun nga. Dahil sa two weeks na yun at nananatili pa rin akong P.A ni young monster eh marami ang nagulat. Yes. You read it right. Maraming nagulat including their maids. Hanga na nga daw sila sakin dahil nakatagal ako ng 1 week dito kay monster. Akala nila hindi na ko tatagal pa ng isang linggo. Kasi nga pinakamatagal na daw ang 1 week na P.A kay Allen.

Eh wala naman akong maisagot sa mga sinabi nila. Well, kahit ako hindi ko rin naman alam kung paano ko nahahandle ng maayos ang ugali ni Allen. Nito kasing mga nakaraang araw eh parang may nagbago sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung ano. Pero kapansin-pansin yung mabilis na pagbago ng mood nya. Ewan ko nga ba. Baka bipolar lang talaga tong mokong na to. =___=

At bukod sa mga maids nila eh may mga nagulat din na fangirls ni Allen. Oo. Tama na naman kayo ng basa. Mga FANGIRLS nya. Akala nila paalisin na ko ni Allen bilang P.A nya dahil nga sa sinigawan at inapakan ko ang pride ni Allen sa harap ng ibang estudyante. Pero hindi naman ako pinaalis ni Allen kaya ayun, mga nagalburoto sila. Oh well, maganda kasi ako! Period. Mwahaha. >;)

Kung itatanong nyo naman kung nagulat ba yung mga kaibigan ni Allen, well parang wala lang sa kanila. Para bang expected na nila na aabot akong 2 weeks sa pagiging P.A ni Allen. Si Cyrine naman ayun nagi-spazz. =___= Kung makapagsabi nga ng congrats sakin walang humpay eh. Hay. Bestfriend ko nga talaga.

So heto na ko ngayon, pasakay na ng bus papuntang school. Actually kanina pa ko umalis ng dorm ko dahil may bibilhin nga ako ngayong araw na mga pangangailangan ko. Wala na kasi akong time mag-shopping mamayang after class dahil diretso na nga ako kila monster. Kaya ayun, nag-shopping na ko ng maaga. Wala namang klase din ngayon at dahil nga festival ng school.

Dumating naman agad yung bus kaya sumakay na ko. Nagtingin ako ng pwesto kung saan pwede akong umupo at nakita ko naman sa medyo dulo na may vacant seat. Umupo na ko dun at naglagay ng earphones sa tenga ko. Kinig muna ng music. School naman namin ang last route ng bus na to eh. Kaya hindi ako mag-aalala na baka lumagpas ako. Nyohoho.

Nakikinig pa ko ng music nang may maramdaman akong tumabi sakin. Nakatingin kasi ako sa labas. Nasa may gawing bintana kasi ako eh. Napatingin naman ako dun sa tumabi sakin at nanlaki bigla ang mga mata ko.

"Axel?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tinanggal ko yung earphones ko at tinitigan ko sya. Napatingin naman sya sakin. May inaayos kasi sya sa bag nya kaya hindi nya ko agad napansin. Ngumiti sya.

"Wow. What a great start of my day." sya.

Napakunot ang noo ko, "Si Axel ka ba talaga?"

Saglit syang natigilan sa sinabi ko at biglang tumawa. Buti hindi malakas kundi pagtitinginan kami ng mga pasahero dito.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon