Maaga akong gumising dahil sa umpisa ng klase ngayun. 10:00am ang klase ko hanggang 3:00 yung pasok ko.
Magaan naman sa loob ko na ganyan schedule ko, tyaka no choice na talaga kase ganun talaga oras ng klase dito sa school lalot na grade 9 kame.
Kase yung sched nameron ay pag grade 7 and 8 ka pang umaga tas pag grade 9 and 10 ay panghapon kaso nga lang kame ay hanggang 3 lang pero yung grade 10,7 na uwi nila.
Yung dating mga kaklase ko noon hindi ko kaklase ngayun nalipat ako dahil sa nangungunang apelyedo ko na letter C.
Nag asikaso na ko at handang pumasok, nag antay muna ako ng masasakyang tricycle, walang nakaparadang tricycle ngayun dahil sa unang pasok ngayung taon madami agad mga estudyante nagsisipasok.
Pagdating ng panibagong tricycle agad na kong sumakay anong oras narin magte10 na rin kase, Malapit lang naman ang school saamin kaya madali lang papunta dun.
Nang makarating nako sa tapat ng school ng MNHS nagbayad agad ako ng seven pesos.Pagpasok ko school agad ko ding hahanapin ang section ko sa mga papel na nakadikit sa blackboard dun sa court. Nahanap ko din naman agad dahil by letter naman kaya madali lang.
Sa second floor ang room ko sa huling building neto. Ang daming mga estudyanteng nagsisi akyat at nagsisi baba kaya siksikan sa building ng papuntahan kung room. Nakisiksik nadin ang sa mga estudyante para makaakyat nako sa room.
Nakaakyat nako sa second floor, agad ko ding hinanap ang room ko. Nahanap ko din agad dahil unang room lang naman pala, sinilip ko na kung may mga estudyante sa loob marami rami narin kaya pumasok na ako, umupo ako sa unahan kase walang masyadong tao doon kumpara sa likod na madami na.
Maingay na rin ang loob ng room halata na magkakaklase sila last year dahil magkakasundo sila at ramdam ko sa mga bago kung kaklase kung gaano sila kagana magkwento sa mga ganap sa buhay nila nung bakasyon.
Ako lang walang kaibigan sa Room nahiwalay kase ako sa dati kung mga kaklase pero kahit naman nahiwalay ako sa kanila iilan lang din kaibigan ko dun.
Marami ng nagsisi pasok sa Room halos kompleto na kameng lahat. Mag uumpisa 10:25 narin na tyaka kame na kompleto.
May pumasok na teacher na babae, sa room agad din kameng umayos at nanahimik ng nakapasok na. Alam nanamin ka agad na ito ang magiging adviser namin
"Ako ngayun ang adviser nyo" sabi ng teacher habang sinusulat ang pangalan nya sa blackboard. Aira Mae Marilao ang pangalan ng adviser namin ngayung Grade 9.
Pagtapos nyang isulat ang pangalan nya, umalis saglit at may kinuhang isang longbondpaper sa mesa nya sa likod, agad ding pumunta sa harapan habang nakatingin sa longbondpaper na hawak nya ngayun, Magchecheck ata ng attendance.
"Magsitayo kayong lahat at pumuntang harapan, aayosin natin ang pwesto ng uupuan nyo" Agad din kameng nagsitayo at pumuntang harapan.
Isa-isa ng tinawag ang pangalan, sinabay nadin ang pagcheck ng attendace. Kanya kanyang upo narin ang mga naunang tinawag.
"Cabalsi, Jayraldine" nung tinawag na yung pangalan ko, agad ko din hinanap pwesto ng uupoan ko, pangatlong row at medyo sa gitna yung pwesto ng uupoan ko.
Sa bawat row kase may limang upoan, kaya na sagitna ako umopo."Campos,Jazper kim" sa tabi ko naman umopo yun.
"Canubas, Danmark" ganun din sa tabi nung jazper umopo ang isa pangtinawag.
Hanggang sunod sunod ng tinawag, sa row na inuupoan ko halos puro lalaki kumpara sa iba na halos puro babae ang magkakatabi kaya medyo maingay, kaya itong inuupoan ko ah okay na ganto wala akong katabing babae para bawas ingay.
Malapit ng matapos yung pagaarrange ng mga pwesto ng uupoan ng iba ko pang mga kaklase. may iba pang mga nakatayo sa harapan, inaantay na lang nila na tawagin sila at makaupo na.
"Chavez, Klent Zy" Nakita kong umalis agad sa harapan yung lalaki naglakad agad papuntang Row5. Umopo sya doon sa bandang dulo.
Naiwan yung mga tingin ko sa kanyan, sa muka nya.
May singkit syang mga mata, maputi din halatang makinis yung mga balat nya, bagay din sa kanyang yung suot nyang uniform, pero yung muka nya hindi ganun ka kinis halata marami syang pimples na parang kakatubo lang.Pero nangingibabaw yung puti ng muka nya, halata parin sa muka nya ang itsura nameron sya kahit nangigibabaw ang mga mapupula nyang mga pimples, lumalabas naman ang totoong itsura nya.
Mayroon din syang manipis ma labi na medyo mapula at ang kanyang ilong ay napakatangos.
Nakita kung napatingin sya aakin yung chavez, tinitigan ko yung mata nya habang nakatingin sya saakin, iba ang kinang ng mga singkit nyang mga mata punong puno ng pangungulila at lungkot.
Nag iwas sya ng tingin at iniba ang tingin, doon sa babae ngayung nakaupo sa likod ko, Mahaba ang buhok, Makinis ang muka at medyo makapal na kilay, halata din ang pagkakinis ng balat nya, nakitingin sya ngayun sa babaeng yun.
Tinignan ko ulet sya iba ang kinang ng kanyang mga mata ang nakikita ko doon, ano ito? bat may ganun sa mga mata nya habang nakatingin sya doon sa babaeng yun? bat may pangungulila at saya ang meron doon sa singkit nyang mga mata?
Agad nya ring iniwas ang tingin sa babae. Tininignan ko ulet ang babae ngayun at masaya syang nakikipagkwentohan sa babaeng katabi nya.
Natapos narin yung pagaarrange ng seatplan na sa sariling upoan na kame.
"'Simula ngayun dyan na kayo uupo sa araw araw" huling sinabi ni Ma'am bago umalis sa harapan, kanya kanyang daldalan naman na sila, kanya kanyang kwentohan sa kaganapan sa bakasyon nila.
tinignan ko ulet yung chavez nakatingin ulet sya doon sa babae, hindi ko alam kung maawa ako or ano.
Maghapon na ganun wala ng pumasok na ibang teacher kaya wala pang ginagawa, unang pasok palang naman.
Pagpatak ng alas 3, kanya kanyang tayo na ang iba mga kaklase ko kaya tumayo narin ako para makauwi na.
BINABASA MO ANG
New life Without You
Любовные романыKaya naman nating wala sila pero ang hindi natin kaya yung mga alaala na nakatanim parin sa utak natin na hinahanap hanap parin natin yung taong nang iwan ng mga masasayang alaala. Wala tayong magagawa pagsila na mismo ang umayaw. Kahit maghabol ku...