[A/N: Biglang laki ng spaces! Tsk. Katamad mag-edit eh. Nilagay ko muna kasi sa notepad kasi nga di ko masundan. LOL Pagpasensyahan niyo na. Hohoho. Wala pa rin ako sa mood mag-update. XD Baka puro ang gwapo ni TOP ang malagay ko dito. Nasabi ko na ba na ang gwapo ni TOP? HAHAHA Eh ang tagal ko nang hindi nag-update kaya ito na lang muna! Dedicated din pala sayo! Wag mo akong bolahin baka maniwala ako! HAHAHAHA Thank you!]
Excited ang magkakaklase dahil ngayong araw na ang start ng retreat nila.
Retreat.
Dito nagkakapatawaran ang mga magkakagalit.
Dito mo masasabi ang gusto mong sabihin.
Dito ka babalik sa Diyos.
Dito uso ang open forum.
Sa school nila uso ang bigayan ng letters tuwing retreat at recollection.
Hindi naman required pero nakaka-guilty naman hindi magbigay kung alam mong makakatanggap ka.
Maliwanagan kaya ang lahat dahil sa retreat na ito?
Sabine's POV
Yaaaaaay! Nandito na kami sa isang retreat house sa Tagaytay! Ang laaamiiiiggg! Ang saya pa nung nasa bus kami! Ay. Mini bus lang ata yun.
"THIS IS THE LIIIIIFFEEEE"- Jas
"Jasmine! Wag maingay! May mga madre na nagdadasal." -teacher
"Ow. Okay po."
Tinawanan na lang namin siya.
Pinapunta na kami sa tutulugan namin. Para siyang isang bahay tapos may dalawang malaking kwarto sa taas na pulos double deck ang laman. Doon kami ni Jasmine sa may pinakalikod at malapit sa CR. Syempre yung boys nasa kabilang kwarto. Yung adviser namin yung kasama namin sa kwarto. Lalaki si Sir pero keribels na yan.
"Okay, class. Baba na muna para sa breakfast." Nasa first floor yung kainan.
XXXX
"Bes, bati na kayo ni Cy?" - Jas
"Hhhmmm. Sino yun?"
"Ay naku Sabine. Di pa nga kayo eh LQ na kaagad?!"
"Bawal bang magkatampuhan ang magkaibigan?"
Naman kasi si Cyrus eh. Sinabi na ngang wag nang patulan si Red pero hindi nagpapigil. Kawawa naman si Red. Kahit na medyo awkward ako sa kanya I still care about him kasi friend ko siya. Siya lang naman ang sunod kong naging guy friend after Cyrus. Ayoko isama si Ken dahil pinagpantasyahan ko siya. Hehe
"Pwede makiupo?"
"Oo naman." - Jas
Tsk.
Waluhan yung table. Eh kami lang naman ni Jas tapos yung apat naming classmate na ka-close din namin. Bakit ba ang hilig kong pumwesto sa gilid? Katabi ko tuloy siya ngayon.
"Cy, may nabalitaan kami ah."- classmate 1
"Ah yun ba. Kasama sa training." - Cyrus
Anong kasama sa training? Bakit si Red lang?
"Mayroon lang talagang mga concerned citizen na ginagawang big deal."
Napatingin ako sa kanya ng masama. Paano hindi magiging big deal yun sa akin eh alam ko na kaya niya ginawa yun ay dahil na rin sa akin? Bakit niya naman gagawin yun nang walang dahilan? Di naman sila close.
Never pa atang magiging close.
"Wushu. Selos ka lang. Training pa nga."- classmate 2
"Kailangan niya lang malaman ang lugar niya. May five seconds violation na siya. Foul pa minsan. May pagka bakaw pa minsan. Bola na ng iba kinukuha pa."
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Novela JuvenilNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?