YUNG TOTOO? Bakit siya? Aminin Mo.

106 2 2
                                    

Hindi po to story. Opinyon lang. Tsaka advice. :)) 

Hope you like it. <3

Hindi siya kasing gwapo na pagtitinginan ng lahat pag dumaan siya.Hindi siya matalino na pinanlalaban sa mga quiz bee.Hindi siya madaldal na laging nalilista sa board.

Hindi siya masyadong sweet kaya pag magkasama kami hindi kami nilalanggam.Hindi siya mahilig magtext na hanggang umaga.

Hindi siya mahilig uminom ng softdrinks tulad ng pagkagusto ko sa mountain dew.Hindi siya ang tipo ng tao na magrereview ng hanggang madaling araw, stock knowledge lang siya.Wala siyang mga nakakakilig na banat.Sa lahat lahat ng yan, BAKIT KO NGA BA SIYA MINAMAHAL?

I Really Don't Know. He Completes Me.

Honestly , hindi naman talaga natin masasabe kung bakit sila yung mahal natin. Wala namang reason eh. I mean, you can't really figure out why you love him/her. 

Hindi mo kasi mapaliwanag yun eh. Nararamdaman lang ng kusa. Diba?

Minsan may nagtanong sakin kung bakit mahal ko siya. Siyempre gusto kong magpa-impress, so pinilit kong humanap ng sagot. 

Andiyang sinabe kong masaya kasi ako pag nandiyan siya. Sinabe ko din na nauunawaan niya kung sino at ano ako. Sinabe ko din na mahal ko siya kasi mabait at thoughtful siya. (See? Galing ko mambola no?)

Pero naisip ko, ganun ba talaga yun? E pano kapag hindi kana masaya sakanya, paano pag hindi ka na niya nauunawaan? Paano kapag hindi na siya mabait at hindi ka na inaalala? Ibig sabihin ba nito hindi mo na siya mahal? 

Bakit ba iniisip natin na mahal agad? Haha. Landi eh.

Hindi ba, tama naman talaga na mahal mo ang isang tao kasi mahal mo siya. Walang ibang dahilan. Kaya wag kang magpapabulag sa nararamdaman mong kasiyahan.

At kapag may nagsabi sayong, "Mahal kita kasi mahal kita." Be contented. Wag nang maghanap pa ng ibang dahilan at baka madissapoint ka lang. Tama ako diba?

Ngayon, Bakit mo nga siya minahal?

--------------------------------------------------------------------

It all ends here. :))

Thanks for reading.

Credits to me: Jan China Ebreo.

 Vote niyo po. Thanks. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YUNG TOTOO? Bakit siya? Aminin Mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon