CHAPTER 3

58 48 8
                                    

3rd person ang pagkukuwento hehe:)
Enjoy guys!


*

Nang makauwi si Diego. Agad siyang tumungo sa kaniyang kuwarto. Pilit iniisip kung bakit hindi parin magawang tanggapin nang kaniyang sistema ang pamilya ni Brie. Bakit niya nga ba iniisip ang babaeng yun kung kamakailan pa lamang sila nagkakakilala.
Samantalang si Brie naman ay mahimbing ang pagkakatulog. Hindi na inalintana pa ang nangyari nang gabing yun.

Nang mag-umaga hindi na lumabas pa nang bahay nila si Brie bagkus ay sa loob  lamang ito nang kanilang hardin at maisipang magdilig.  "Ma'am, kakain na po?" Usal ng katulong nila na agad rin namang sinunod nito. Na hindi niya naman inintindi subalit humarap siya sa kanilang nila at nagtanong.

"Ahm, may nakita po ba kayong tao kagabi dito sa bahay?" Tanong niya sa katulong nila.

"Wala naman, Ma'am!" Sagot rin nito na ikinatango nalang ni Brie saka nagpatuloy sa pagdilig nang halaman. Nang matapos  siya ay nagtungo narin naman siya sa kusina at kumain hanggang sa matapos hindi naman kakaiba ang pagkain dahil mga karaniwang pagkain lang naman ang inihahanda sa hapag na hindi tulad nang mga mamahaling kinakain niya nang nasa bahay niya sila sa manila at ibang bansa kapag mausad ang perang dumadating sa kanila.

Umalis na siya sa bahay nila nang matapos kumain at nagtungo sa park na dati niyang tinatambayan. Habang dumuduyan si Brie sa isa sa mga duyan na nasa park. Hindi alintana nito ang mga matang nakamasid. Mga matang halop bunga ng mga pangangailangan. Walang mga pakundangan kung sino ang bibiktimahin. Bagaman hindi niya na ito tiningnan alam niyang masama ang taong yun sakaniya kaya inilibot na lamang niya ang paningin.

  Sa kalayuan nakita niya si Diego na papalapit sakaniya. Kaniyang kinuha ang mga kamay nito at agarang umalis sa lugar na iyon na hindi rin naman ikinaangal nito. Kaya nang makalayo na sa parke nang bayan nila ay saka lamang siya nagtanong.

"Teka, sandali lang. Saan mo ako dadalhin?" Saad ni Brie sa gitna nang kanilang paglalakad ng makalayo-layo na sila sa lugar na iyon.
 
  "Sumunod ka nalang wala ka rin naman magagawa." Tanging sagot nalang nito sakaniya na hindi na niya inangalan pa dahil totoo ang sabi nito dahil mukhang alam naman nito ang ginagawa pero hindi niya parin malilimutan ang nangyari kagabi kaya hindi na muna niya pinakialaman pa ito dahil baka masapak niya ito nang wala sa oras dahil sa pangangambala nito.

Nang huminto sila sa paglalakad ay napunta sila sa dalampasigan kung saan tanaw ang malaking bato sa gitna nang dagat. "Daruanak" kung tawagin nang karamihan.

  Nang makaupo sila sa mga batohan  nang dalampasigan ay binasag ni Diego ang katahimikang bumabalot sa kanila. 

  "Brie, may isang pakiusap lang sana ako saiyo." Agad na sabi nito na ikinunot niya nang noo.

" Ano naman yun?" Nakakunot na tanung niya.

" Umuwi ka nalang sa inyo sa Manila. Delikado ka dito sa bayang ito." seryosong mukha ang nakita niya sakaniya habang sinasabi niya ito dahilan para mainis siya sakaniya.

  "At bakit naman ako susunod saiyo. Baka nakakalimutan mong ginambala mo ako kagabi sa gitna nang mahimbing kung tulog." Naasik niyang sabi. Namumuo na atensyon niya sa lalaki dahil sa pangingialam nito sakaniya. " Kaya wala kang karapatang sabihan ako niyan. Saka isa pa pake ko ba sainyo wala naman akong kasalanan sa lugar na ito para pabalikin mo ako sa Maynila." Asar na asar niyang sabi sakaniya.

  "Brie, pakiusap lang sabihin mo nalang sa mga magulang mo na uuwi  ka na tutal nandito ka lang naman para magbakasyon." Malumanay niyang sabi pa sakaniya dahilan para iwanan siya ni Brie sa sobrang pangingialam niya pero bago pa siya tuluyang makaalis sa tabi nito

  "Sino ka ba talaga Diego? Para sabihin ko sayo to. Walang kang pakialam sakin. Di porket kakakilala pa lamang natin pangungunahan muna ako baka nakakalimutan ko ang pangungusisa mo kagabi. Pero isa lang ang masasabi ko saiyo pwede bang layuan mo na ako. Masyadong kang mapapel" Saad niya kay Diego bago tuluyang umalis sa park na iyon nang yamot.




Nang makauwi sa kanilang bahay mayroon siyang nakitang lalake sa loob. Nang lumingon ito sa kaniyang gawi hindi niya inabala pang titigan at nagtuloy-tuloy nalang sa pagpasok sa kaniyang kuwarto at naligo. Kaya nang matapos siya ay hindi na niya inalintana pa kung sino ang kumakatok bagkus ay lumabas nalang habang nakatapis lang.
"Anong kaila...." nahinto siya sa kaniyang sasabihin at malakas na sinarado ang pinto. Saka nagdali-daling bihis ng damit.

Nang lumabas siya ay agad niyang tinalakan ang taong nakita niya sa kaniyang kuwarto.
  "What are you doing here?" Galit niyang sabi. Sa lalaking tatawa-tawa nalang ngayon sa kaniya.

  "Kasi po ma'am pinapasundo ka po sakin nang katulong niyo na kakain na raw po nang tanghalian." Sagot naman nito sakaniya at hinawakan ang braso niya para bumaba nang hagdan. Agad rin namang iwinaksi ni Brie ang kaniyang braso sa kamay ng lalaki kaya muntik na itong mahulog nang mamali nang pagtapak nang hagdan na hindi naman gaanong mataas. Kaya bago pa siya mahulog ay agad na siyang kinabig nang lalaki at hindi inaasahang naglapat ang kaniyang labi sa labi nito dahil sa napalakas nitong pagkabig sakaniya para hindi siya mahulog. Natigilan siya at mapagtanto ang nangyari kaya agad-agad siyang kumalas sa harapan nitong mayroong nakapaskil na ngisi sa kaniya.

  "James!" Isang maalingawngaw na sigaw ang mauulinigan sa bahay nila Brie.







___________________________________________

What can you say guys? Hindi ba parang ambilis ang kuwento ko
Comment kayo para maknows ko!  Hehe😉

Anyway who's James?
Well keep reading to know!

LIKE, COMMENT & VOTE

©purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon