MFW💫32
"Nite akala ko ba dadaanan natin si Mommy? "
tanong ko habang nasa byahe kami ni Nathan,makalipas ang dalawang linggong pagmamaselan ko sa madaming bagay ay pinipilit ko pa rin ang sarili kong sumama at pumasok sa trabaho.
dahil hiyang hiya na ko kay Nathan at mommy na sila lang ang nagtatrabaho.
at pinipilit na mulling mabawi ang lahat ng mga bagay at properties na nawala saamin."yea were going to fetch her too after this meet up with our new supplier"
seryosong sabi nito.napapansin kong madalas na subsob sa trabaho ang kapatid ko ni hindi ko nga alam kung meron ba itong dinidate, o girlfriend.
puro trabaho at business meeting ang inaatupag nya."Nite? "
" hm? "
sagot nitong di ako tinitignan" may girlfriend ka ba? "
seryosong tanong ko" why? "
sagot nyang saglit akong nilingon" wala lang. parang puro trabaho kasi ang inaatupag mo eh, ni hindi ko nabalitaan na nakipagdate ka"
i heard him chuckle,
"not my priority "
yun lang at bumalik sa seryosong pagmamaneho.ilang sandali pa ay dumating kami sa isang factory.
dumiretcho kami sa office ng factory na ito at nag site seeing kami ni Nathan,
may mga ilang tanong si Nathan sa owner ng factory.
dito na kasi kami kukuha ng maraming items para sa gagamitin sa company namin.
habang nag uusap sila ay nagpaalam ako kay Nathan na hihintayin ko na lang sya sa parking lot dahil ito na naman ang pakiramdam kong biglang sumakit ang sikmura ko
pumayag naman ito at sinabing susunod na sya kaagad dahil tapos na rin sila.dali dali ay halos patakbo akong nagpunta sa isang sulok ng parking lot,
at doon nga ay may ilang beses akong naduwal. tila gusto kong sumuka kahit wala naman akong maisuka."maam okay lang po kayo? "
tanong saakin ng isang lalake na bumaba mula sa isa sa mga nakaparking na truck.nag angat ako ng ulo at pilit itong nginitian.
"o'oo, okay lang ako, sorry dito ako sumuka ha""okay lang po yan maam"
sagot naman nito sabay ngitingumiti rin ako dito at tumalikod na, lalakad na sana ako paalis nang marinig kong magsalita muli ang lalakeng kausap ko.
"Gabriel, nakuha mo na ba yung resebo sa opisina para makapag deliver na tayo"
biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan na binanggit ng lalakeng kausap ko kanina lang.
kahit hindi ko pa nasisiguro kung sino nga ang kausap nito."kukunin ko pa lang"
halos mawalan naman ako ng balanse nang marinig ko ang boses ng lalakeng sumagot.
ang boses na yon ay kilalang kilala ko.
nanginginig ako at tila hindi makakilos, kinakabahan at ramdam ko na ang butil butil na pawis ko sa aking noo."m'maam? ayos lang po kayo? "
muling tanong saakin ng lalakeng kausap ko kanina
dahil hindi na ako makaalis at makagalaw sa kinatatayuan ko." H'ha? "
utal na sagot ko nang hindi sila nililingon."Gabriel sabay mo na kaya si Maam hatid mo muna sa clinic mukhang may sakit eh"
" Maam? tara po hatid ko kayo sa cli--"
hindi na nya natuloy ang sasabihin nang makita kung sino ang babaeng kausap nya.kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang dapat gawin o dapat sabihin.
basta nararamdaman ko na lang na nanginginig ako at parang nagkakarerahan ang pagtibok ng puso ko.