Kate's POV
"Doc ano po ba ang nangyayari kay Lance?" tanong ko sa doktor ni Lance na siyang nag opera sakanya.
Lahat kami ay tahimik na nakikinig lang sa paliwanag ng doktor.
"Nagkaroon siya ng amnesia. Yung mga bagay na dati niyang ginagawa at ang mga taong dati niyang kilala ay nawala sa kanyang alaala. Ito ay resulta ng natamo niyang pinsala sa utak dahil sa aksidente."
Ibig ba niyang sabihin hindi na ako kilala ni Lance? Hindi na niya ako naaalala?
"Pero doc bakit si Steph kilala niya?"
Napatingin ako kay Lex nang tanungin niya ang doktor. Tama. Nakilala niya si Steph. Hindi malabong kilala niya rin ako.
Tumingin naman ang doktor kay Steph."Ikaw ba ang tinutukoy niyang Steph?" tanong ng doktor sa babaeng katabi ko.
"Yes doc." maiksing sagot niya.
"Gaano katagal na kayong magkakilala ng pasyente?"
"More than 20 years na doc. Magkababata po kami ni Lance."
"I see. Kaya pala kilala ka niya. Sa kaso ni Lance nagkaroon siya ng retrograde amnesia. Mas madali para sakanya ang maalala ang mga taong matagal na niyang kilala. His old memories are easier to remember while the new memories are most likely hard to restore."
A-ano? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kadalasan ay sa pelikula at drama ko lang napapanood ang ganitong eksena.
"Anong ginagawa niyo dito?"
Nawala ang paningin ko sa doktor na kausap namin. Naituon ko agad ang mata ko sa babaeng kadarating lang at ngayon ay nakatingin ng masama saakin.
"Tita Lanie."
"Ang akala ko ba ay nag usap na tayo tungkol sa bagay na ito Steph? Ano ang ibig sabihin nito?"
"I'm sorry Tita. Hindi ko alam na nandito si Kate."
Lahat kami ay natahimik. Masyadong seryoso ang mukha ng mama ni Lance. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang galit. Pero simula nang maaksidente si Lance hindi ko na ulit nakita ang dating mukha ni Mama Lanie. Yung maamo niyang mukha na palaging nakangiti.
"Siguro naman naipaliwanag na sainyo ng doktor ang sitwasyon ni Lance. I want my son to get enough rest and have a full recovery. Hindi makakatulong sakanya ang makita ka dito Kate."
"P-pero Tita gusto ko lang- "
"Hindi mo ba alam? You are ban from going here. Pero dahil alam kong girlfriend ka ni Lance pinagbigyan ko kayo. Kahit alam kong palihim kang tinutulungan ni Steph ay hindi ako nakialam. Ngayon lang Kate. Please let go of him. Siguro mas mabuti na rin ito. Mas mabuti ngang nakalimutan ka na ni Lance."
Masakit ang mga narinig kong salita mula kay Tita Lanie. At mas higit akong nasaktan dahil sa katotohanang hindi na ako naaalala ni Lance. Totoong nakalimutan niya na ako.
"Tita please kahit sandali lang. Kahit ilang buwan lang. Let me be with him. Let me stay with him. Pwede pa naman diba? Pwede pa niya kong maalala ulit."
"Hindi ka ba talaga marunong umintindi Kate? Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? Hindi nga pwede. Ayokong makasama ka pa ng anak ko."
Alam ko at naiitindihan ko naman siya. Pero nagpumilit pa rin ako. Paalis na ang mama ni Lance nang pigilan ko siya. Inaawat ako ni Lex pero hindi ko siya pinansin. Desperada na ako. At handa akong gawin ang lahat. Makasama ko lang ang taong mahal ko.
"Six months. Kahit bigyan niyo po ako ng six months para bumawi kay Lance. Kung sakali man na hindi pa rin bumalik ang alaala niya ako na po mismo ang lalayo sakanya. Pangako po Tita."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...