Chapter 4 - Isabel Part 1

9 0 0
                                    

"Marry me Em," mga salitang paulit ulit na naririnig niya. Ay pambihira! Ganto pala kasaya ma-engage.

Two months pa lang ang relasyon nila Emily at Marco pero ito engaged na agad sila.

"Para akong nasa langit!!!" itinaas nya ang kaliwang kamay at pinagmasdan ang suot na singsing. "Diyos ko! Ang kinang ng bato! Ang sarap lunukin!"

Ilang beses na syang nagpatalun-talon sa kama nya at hihinto sandali para magpahinga.

Ikakasal na sya. Apat na buwan na lang.

---

Nakatayo si Marco sa harap ng salamin. Napapangiti sya habang pinapraktis ang sasabihin nya sa altar. Apat na buwan ang naging preparasyon nila. Sa wakas ikakasal na sila. Maya maya pa'y nagring ang cellphone nya.

"Hello?" sagot nya.

Ilang segundo syang nakinig sa kausap at saka nagmadaling kinuha ang susi ng kotse. Lumabas sya ng hotel at sumakay sa kotse nya. Nagmamadali syang pumunta sa condo ni Emily.

Pumasok sya kaagad sa loob. Kalat ang buong lugar, parang hinalughog. Inikot nya ang buong unit.

Paulit ulit nyang naririnig si Hannah habang sinasabing "Wala pa rin sya dito sa hotel, kagabi pa namin sya hinihintay. Tinatawagan namin sya hindi sumasagot. Na-contact mo pa ba sya kagabi?"

Wala na ang mga damit ni Emily dun pero naiwan ang cellphone nya.

Dumating kasunod nya ang mga kaibigan nila.

"Nasan sya? Saan sya nagpunta?"

---

Lalong lumalalim ang paghinga ni Isabel. Nakasakay sya ngayon sa bus pauwi sa probinsya nila sa Ilocos Norte. Gusto nyang umiyak. Gusto nyang sumigaw. Dalawang taon. Dalawang taon ang lumipas.

Nagmamadali syang pumara ng tricycle pagkababang pagkababa nya sa bus. Kailangan nyang makauwi kaagad. Paniguradong nag-aalala na ang pamilya nya.

---

"Isabel pa rin."

Napalingon si Arwin sa pinanggagalingan ng boses.

"Tulala pa rin," nakangiting puna ni Kyla sa kanya, officemate nya.

Ngumiti rin sya.

"Wala pa rin bang balita sa kanya?"

Umiling sya. "Wala pa rin."

"Sana pwede kong sabihin sayong mag move on ka na kaso, kung ako rin kasi nasa kalagayan mo, mahihirapan ako." Naglakad na ito paalis matapos syang tapikin ng marahan sa balikat.

Alam nyang gusto sya ni Kyla. Hindi nito tinatago ang pagkagusto nito sa kanya kaso hindi nya magawang magmahal ng iba dahil kay Isabel.

---

"Excited na kong tumira kasama mo."

"Ako rin. Mahal na mahal kita Em."

"Mahal din kita Marco."

Mahal nya ko. Excited syang makasama ako. Anong nangyayari?

Kusa ng tumutulo ang luha sa mga mata ni Marco. Tulala sya't parang tangang naglakad palabas ng condo unit ni Emily. Sinundan sya ng mga kaibigan nila.

"Marco," pagtawag sa kanya ni Hannah. Si Hannah ang best friend ni Emily.

Nilingon nya ito. Wala syang pakialam kung tumutulo na ang uhog nya, gusto nyang umiyak. Ikakasal na sila e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At Bahala na Kayo sa EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon