Chapter 2Amber
Pagpasok ko sa classroom, nandoon na si Sir Martin na adviser namin. Nakatayo siya sa harap at may kasama siyang lalaki na satingin ko ay kasing edad namin.
Nanatili lang ako doon sa may pinto habang nagsasalita si Sir.
"Okay class. This is your new classmate." Tinignan niya 'yung lalaking katabi niya. Shete. Ang gwapo niya. Ang ganda rin ng kilay, mata, at eyelashes niya. Ang cold ng mga mata niya. Mahaba ang eyelashes niya tapos, ah basta! Ang fierce niya tignan!
"Can you introduce yourself, Mr. Zraa?"
"Yes, Sir."
"Uhm, hi everyone and good morning. I am Vinsant Zraa. I am 18 years old. Kumuha rin ako ng test gaya ninyo. And thankfully ay nakapasa naman ako." Nginitian niya kami nang medyo nahihiya. Ang cute niya tuloy. Halos lahat ng mga kaklase namin, especially ang mga girls ay napangiti at tutok na tutok sa kanya habang nagsasalita. "That's all. Thank you."
Oh, so mali ang inisip namin ni Talia about sa kanya. Kumuha naman siya ng entrance exam and pumasa siya.
Tiningnan ko siya ulit. Mukha siyang mayaman. Pero, bakit nandito siya nag-aaral sa paaralan na 'to? I mean, ang Marikit High School ay isang normal lang na high school. Mga average na tao halos ang nag-aaral dito.
"Okay, Mr. Zraa. Kumuha ka nalang ng vacant seat."
Pagkatapos no'n ay dumiretso siya sa may bandang likod dahilan para mapanganga ako. Sa tabi lang ng upuan ko siya uupo. OMG!
Okay, erase erase 'wag kang kikiligin Amber. Hindot ka talaga. Napakaharot!
Wala na akong nagawa kaya pumunta nalang ako sa upuan ko na nasa tabi nitong transferee. Tinignan naman ako ng mga kaklase ko na parang sinasabi na "Ang swerte naman ni Amber." "Amber, uy ako nalang diyan please..." "Amber, akin lang siya."
Napailing nalang ako at umupo na. Malas lang talaga na magkaibang strand kami ni Talia. Though, may mga close rin naman ako dito, pero iba kung kasama ko si Talia baby HAHAHA. STEM ang kinuha kong strand while GAS naman siya. Sabi niya kasi, gustong-gusto niya talagang maging teacher.
Maya-maya lang ay dumating na rin si Sir Jimenez, ang bonggang bakla naming teacher na siyang pinakastrikto sa lahat ng mga kilala kong teacher dito sa paaralan. Nagtuturo siya ng General Biology. Siya lang naman ang halos ibigay na ang lahat ng assignment at project sa iisang week.
Siya rin ang nakakatanggap ng napakaraming reklamo rito sa school, pero hindi pa rin siya pinapaalis. Sabi kasi nila, malapit daw siya sa principal at matagal na siya rito kaya hindi siya magawang paalisin nang ganoon lang kadali.
"Good morning, class." Mataray niyang sabi sabay buklad ng kanyang pamaypay na bulaklakin.
Napatingin naman siya sa direksyon namin. "Oh, well. Nandito na pala ang ating transferee. What's your name, hijo?"
Napatayo naman yung transferee at nagsalita. "Vinsant Zraa po, Sir."
"Oh, okay. Ganda naman bg apilyedo mo. May lahi ba kayo?" Ani Sir. Napailing naman si Vinsant. Ang weird naman. Ang unique ng apilyedo pero walang lahi.
Sinuri niya muli si Vinsant bago magsalita.
"So, Vinsant." Paninimula niya. "Do you know anything about my lessons in this class?" Aba, kahit transferee ay hindi niya talaga palalagpasin.
Tumango naman si Vinsant. "Yes, Sir. As what I've heard, kayo po ang General Biology teacher dito," napalunok naman siya bago magsalita ulit.
"Biology, the study that covers life and living organisms. This subject covers life processes at cellular and molecular levels, physiological mechanisms, evolution and development."
Napatango-tango naman si Sir. "Hmm.. Let's see." Napaisip naman siya bago magsalita ulit. "What do you think is the difference of Biotechnology and Biology?"
"As what I have studied, Biotechnology is clearly the branch of Biology that involves living organisms like plants, animals, and microorganisms for the benefit of humans. This involves production of food products, medicines, and other technologically-enhanced products. All of us benefit from Biotechnology becau—"
"Okay, stop it. You're too proud naman yata sa alam mo Mr. Zraa." Mataray na sabi ni Sir Jimenez.
Napayuko naman si Vinsant at umupo dahil sa hiya. Naku, kahit sino nalang talaga pinag-iinitan nitong baklang 'to.
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang classroom. Maya-maya pa ay nagsalita si Sir. "Okay, class dismissed." At tuluyan na siyang lumabas at naglakad na parang pato. Tsk.
Tinignan ko naman si Vinsant na ngayon ay nagliligpit ng gamit niya.
Naaawa tuloy ako sa kanya ngayon."U-uhm, uy, V-vinsant." Nauutal kong sabi. Napatingin naman siya sakin. Shet, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang ganda talaga ng cold eyes niya. Cold siya tumingin pero parang masiyahin naman siyang tao.
"Pagpasensyahan mo nalang si Sir, ha. Ganoon talaga yun. Wala kasing jowa, eh." Pabulong kong sabi."Ah, yun ba? Okay lang naman sa akin yun." Cold niyang sagot. Lumabas na siya ng room pagkatapos.
Ay bat ganoon, Te? Cold naman nitong si Vinsant. Pero sige, baka nahihiya lang siya sa ganda ko. Ahihi.
Natawa naman ako sa naisip ko. Maya-maya pa ay nakita kong nasa labas na ng room si Talia at nakikipag-usap sa isa kong kaklase habang naghihintay sa akin.
"Uy, Amber. Kaklase niyo pala yung transferee, ha." Sabi ni Talia. Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain.
Maraming tao ngayon dito sa canteen. Napakaingay nga, eh. Marami akong naririnig na si Vinsant ang pinag-uusapan.Napatango naman ako, "Oo nga. Magkatabi kami ng upuan."
Nanlaki naman ang mga mata ni Talia sa sinabi ko. "S-seryoso ka? OMG! Ipakilala mo ako sa kaniya, ha?" Kinikilig niyang sabi.
"Baliw, eh hindi nga kami nag-uusap no. P-pero sinubukan ko siyang kausapin kanina." Sumubo ako ng spaghetti ko. "'Di kasi pinalagpas ni Sir Jimenez. Sinabi ko sa kanyang ganoon lang talaga siya." Dugtong ko.
Napailing naman si Talia, "Naku, yung bakla talaga na yun. Naiistress ako, ha." Natatawa niyang sambit.
Susubo sana ako ulit nang mapatingin ako sa kanan ko. At nakita ko namang nakatingin ngayon si Vinsant sa akin. Parang sinusuri niya ako na ewan. Hindi ko rin alam kung anong ibig-sabihin nito. Cold siya kung tumitig pero parang gustong kumawala ng puso ko dahil sa kilig. Emeged, sagad to the bones, ehehe.
YOU ARE READING
AMBER
Fantastik[ON GOING STORY] Amber Esmeralda Alvarez. Isang mabait, masipag (siguro) at kalog na Senior High student. Behind those, hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. She doesn't know her parents, and even her family background. But after so...