Part 15

1.4K 40 0
                                    

Part 15 of SECRET RELATIONSHIP
___

Giro's POV:

Pinagtulakan ako palayo ni Iresh.

Hindi niya ako pinakinggan.

Hindi niya pinakinggan ang paki-usap ko.

But still, hindi ako sumuko.

Naghabol pa rin ako kahit nakakapagod na.

Nagmukha man akong tanga sa paningin ng iba, tinuloy ko pa rin ang gusto ko.

Isa lang kasi ang tumatakbo sa aking isip, at 'yon ay makuha muli ang babaeng minahal ko ng sobra.

"Dude, may praktis na tayo. Tara na.", sambit sa akin ng kateam ko.

"Susunod na lang ako. Mauna ka na. May hinihintay pa kasi ako.", turan ko rito.

Kaninang umaga pa ako nandito sa gate para abangan ang pagdating ni Iresh.

Kaso wala eh, hindi pa rin siya pumapasok.

"Giro, kung sino man 'yang hinihintay mo, pwede naman sigurong itext mo na lang? Mamaya may game na tayo, so we need to practice. Baka magalit na naman nito si coach.", hirit na sabi ng lalaki.

I don't have choice kundi ang pakinggan ito.

Tumungo na kaming dalawa sa gym para magpraktis.

And this day, nabawasan na kaming isa.
Umalis na si JM sa team namin.

Sinabi niya na rin ang totoong pagkatao nito sa lahat, maging ang relasyon nila ni Iresh.
Maraming nagulat pero kahit gano'n, tinanggap pa rin siya.

So here, we started to practice.
Dito muna ako nagfocus dahil para sa kanya ang laro na mangyayari mamayang alas-singko.

Because after the game, I want to ask her infront of many people, kung pwede ko bang kunin ang kamay niya as my girlfriend.

Alam ko na kapag ginawa ko 'yon, magiging usapan kami sa University.
But I don't care anymore.

Matapos ang praktis, kinuha ko ang towel para punasan ang pawis ko.
Umupo muna ako para magpahinga, pero may isang tao naman ang tumabi sa akin.

"I guess, you're thinking about my sister.", pangunang sabi nito.

The person who sit beside me is Sherlyn.

Pero yung pananalita niya, ibang-iba sa narinig ko noon. So I'm really curious, why she's acting like this.

"Hindi ako nandito para siraan ulit ang kapatid ko, Giro. Kasi pagod na ako do'n. Aminado ako na marami akong kasalanan sainyo, lalo na sa'yo, kasi nagawa kitang gamitin. Pero maniwala ka man o hindi, sincere ako sa sasabihin ko. I'm sorry.", wika ng dalaga habang nakatingin sa mata ko.

"H'wag kang mag-alala, I'm willing to help you. Handa akong tulungan ka para bumalik si Iresh sa buhay mo.", patuloy na saad niya at tumayo na ito.

"--Kaya bukas na bukas, aamin na ako kay dad. I will tell him na hindi totoong naging tayo. In that case, pwede mo ng simulan ang pagsuyo kay Iresh.", ngiting turan ni Sherlyn bago naglakad palayo.

Just wow!
Para s'yang sinapian ng mabuting espirito.

Pero sana, sana maging magka-ayos na kami ng kapatid niya.

©Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon