Read the Full Story
PENPEN de SARAPEN ( Laro Tayo )
-----------------------------------------
Lumaki akong salat sa kasiyahan,
Tanging si Sarapen lang aking kasama,
Sila Mama , Papa at Aling Toyang,
Mga tao sa aki'y walang pakisama.
Pangako nila'y laging napapako,
Kaya ako'y madalas nauuto,
Kaya nung minsan si Mama'y nangako,
Paggising ko siya ay biglang naglaho.
Si Aling Toyang, katulong na salbahe,
Kaya aking salawal ay laging mapanghe,
Sa boses niya'y nanginginig na ako,
Wala akong magawa kundi sumagot ng opo.
Aking binibida , Aking katoto ,
Si Sarapen tunay at totoo,
Laruang nabuhay at kumibo,
Para si Toyang mabigyan ng Leksyon.
Isang umaga ako'y nagtampo,
Sa gubat ako'y nagtatatakbo,
Sa sobrang takot ako'y nalito,
Hindi na nakauwi dahil ako'y nadedo.
Tara laro tayo ng PENPEN de SARAPEN.
Dahan-Dahan mong Awitin at Lasapin.
Dahil dulo ng kutsilyo ay matalim.
Ika'y mamamatay sa pagsapit ng dilim..
©2014
ALL RIGHTS RESERVED
UN: mieckysarenas