Ito ang aking katha na aking nilikha
Para saiyo'y ipamukha na nasaktan mo ako ng lubha
Sa sa pang ulit na pagkakataon ng puso ko'y tumalon,
Tumalon sa saya ng ika'y kakilala
Di ko mawari ngunit simula pa nung una
Puso ko'y tumibok na para sayo ata sinta?
Ako'y naguguluhan
Ako lamang ba ay itong kaylangan?
Ngayon ika'y walang mapag tripan
At sa oras na sumaya na sa iba ako ay iiwan?
Nakaka tawang isipin ngunit alam ko na.
Alam ko na, na tayo'y pinagtagpo pero di itinadhana
Oo alam ko na
Oo alam ko na dahil Simula palang ay ramdam ko na
Na ako'y walang puwang sa puso mo sinta
Kahit anong gawin
Kahit ano pa ang iyong sabihin
Alam kong ako'y di mo kayang mahalin
Tanggap ko na
Oo tanggap ko na
Ngunit naguguluhan parin ako
Dahil sa tuwing mag aaway tayo sasabihin mo saakin na ako'y mahal mo
Ano nga ba ang totoo?
Sabihin mo na saakin ang totoo para kahit papano
Ako'y di na gaanong masaktan mo
Dahil kahit piliting ko mang isiping ika'y seryoso
Ang ipinapakita at pinaparamdam mo
Ang nag papabago ng nararamdaman ko
Dahil kahit isang segundo
Ay di ako prioridad mo,
Wala ako sa ipinagdarasal mo,
At wala akong parte sa buhay mo.
Ramdam ko lahat
Pero bakit ang sakit
Ang sakit sakit isiping ako'y di sapat
Dapat na ngabang Kalimutan ka?
O ipagpatuloy pa ang nasimulan na
kahit na nakakasakit na?
Kahit na tayo'y pinagtagpo pero di itinadhana.
Mahal kita
Oo mahal kita
Higit pa sa alam mong gaqo ka
Pero mukhang tama na ata
Tama na ,tama na ang sakit tama na ang lahat
Tama na ang lahat ng sakit na dulot ng bawat isa.
Tama na palayain na ang isat isa
Tama na ang kahibangan at paglilinlangan
Dahil sa huli tayo rin pareho ang masasaktan at iiyak ng luhaan
Tanging hanggad ko lang na ika'y maging matagumpay
Sa mga pangarap mong sabay nating ginuhit sa mga tala.
Na kahit na nasasaktan natin ang isat Isa
Kahit na pinagtagpo tayo pero di itinadhana.
Ikaw parin ay aking maaalala dahil ika'y Aral na di ko makakalimutan pa sinta.
Is a kang masakit ngunit mahalagang alaala
NA babaunin ko habang buhay at hanggang pagtanda.
Maraming salamat sinta
Sa mga banat mong walang kuwenta
Mahal na mahal kita pero pasensya na kung ako ay susuko na .
Totoo man o hindi ang lahat ay tama na kasi masakit na.
Mahal kita pero alam kong daraan din ang araw na ito'y lilipas at mawawala.
At kung hindi man, kapag dumating ang tamang araw at oras na bumalik ka.
At maayos lahat sana ang puso ko ay handa na ulit Mahalin ka,
Kahit na nasaktan mo ito ng sobra sobra.
Paalam na sinta, Paalam mahal, hanggad ko sating dalawa ay parehong maging masaya .
Kahit tayo'y pinagtagpo pero di itinadhana .
Oo tanggap ko na,
Na dito tayo para sa isa't isa
at ikaw lamang ay leksyon saakin buhay sinta
upang sa susunod ay maging maingat na sa pag pili ng mamahalin ko sinta.
Sa pag tatapos by nitong aking kathang ginawa ang pagtapos ng lahat saatin .
Salamat ,salamat sa lahat.
YOU ARE READING
Spoken Poetry❤
PoetryA spoken poetry for a broken person. A spoken that could be change you and your reason. A spoken poetry that tells how love hurt a person 💔💔.