Kabanata XIV-Lobo

538 27 3
                                    


Buong gabi akong hindi nakatulog,binabagabag ako nang konsensya ko.Nag-aalanganin akong sumama kay Aling Florisca,pero sigurado naman ako na papagalitan ulit ako ni Heneral pag bumalik pa ako sa loob ng mansion.

"Magbihis ka muna hija"may inabot siya sakin na damit.Tumayo na ako at pumunta sa may madilim na sulok para hubarin ang damit ko at magbihis.

Napatingin ako sa sarili ko,isang whole dress na puro itim.Para akong may pupuntahan na lamay nito,tinanong ko si Aling Florisca kung bakit ganito ang ipinasuot niya sakin.Ngunit napatitig rin ako sa kanyang suot.

Puro itim rin ang damit,nakamaong siya ng itim at naka-jacket rin siya nang itim at ang kanyang mga labi,itim rin.

"Bakit ganito ang suot natin.?"pagtatakang tanong ko sa kanya.Lumingon siya sakin at tinitigan ako nang maigi,sinuri niya ako galing ulo hanggang paa.

"Proteksyon natin ang kulay itim na damit upang hindi tayo masyadong mapansin nang mga lobo sa kagubatan,ngunit tila umaapaw naman ang iyong makinis at maputi mong balat."nakangiting sagot niya.

Bumagay nga sakin ang kulay itim na whole dress ko,gaya nang dati hindi rin ako masyadong kumportable sa mga ganitong kasuotan,yung parang kurtina yung tela,ang kati kati.

Pero wala akong magagawa,kesa naman magtiis ako dun sa mabaho kong damit.Pipilitin ko nalang to,tutal uuwi narin naman ako.

Handang handa na si Aling Florisca sa kanyang mga gamit,nakaback pack narin ito.Mukhang mapapahamon kami nito sa matinding labanan.

"Tayo na,bago pa maabutan tayo ng ulan sa gubat"

Tsaka ko na namalayan na wala sa mood ang kalangitan ngayon,kahit maaga na e, medyo madilim parin ang paligid,napapalibutan kase nang mga maiitim na ulap yung araw.
Nasisiguro akong ano mang ay bubuhos ito.

Nagsimula na ang paglalakad namin ni Aling Florisca patungo sa daan papuntang kagubatan,napalingon ako sa malaking mansion,hindi ko alam ang nararamdaman ko,maraming pagsubok ang napagdaanan ko sa loob ng mansion.

Marami akong mga bagay na natutunan,at naunawaan.Ipagdadasal ko sa panginoon na sana dumating ang araw na may muling maligaw na babae rito,at ang babaeng yun ang maging sulosyon sa kanilang problema.

"Patawarin niyo ko Anyeras,ngunit hindi ako ang tamang tao na gagawa sa misyon niyo,patawarin niyo ko ..."isang patak ng luha ang umagos sa mata ko,nasasaktan parin ako sa pag iwan sa kanila.

"Halika na hija!!"tawag sakin ni Aling Florisca.

Pinunasan ko na ang mga mata ko at muling tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ata komo-cooperate ang balat ko sa paligid,masukal kase ang aming tinatahak na daan.At ibat ibang mga damo ang humahaplos sa balat ko, kaya panay ang kamot ko sa binti at braso ko.

Masyadong mabilis maglakad si Aling Florisca kaya napipilitan akong humabol sa kanya.Alam ko naman ang dahilan ng pagmamadali niya,bukod kase sa mga lobo sa paligid.Napapansin ko rin ang kalangitan na kanina pa dumidilim.

May kukunti akong naririnig na mga kulog na galing sa langit,indikasyon na ilang sandali nalang ay bubuhos na ang ulan.

"Aling Florisca,malayo pa po ba tayo?"tugon ko sa kanya habang pilit na hinahabol ang kanyang mga hakbang.

"Nangangalahati pa tayo sa nilalakbay natin,kaya magmadali ka diyan bago pa tayo maabutan ng ulan"

Saglit lang medyo malayo na yung nilakbay namin,nangawit narin ang mga binti ko.Tapos nangangalahati pa kami.

Jusko,wala bang shortcut!!

Di ko na kakayanin pa kung ganon kalayo pa ang tatahakin namin.Wala nga kaming pahinga,kahit umupo lang sana saglit.Pero patuloy parin siya sa paglalakad.Kung sana alam ko lang ang daan,kanina ko pa siya pinabayaan na maglakad.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon