Magic 3

27 1 0
                                    

Makalipas ang ilang oras na pag tambay ko sa library ay bumalik na ako sa classroom tutal last subject ko na naman ito. Ganun din ang nangyari. Habang nag kaklase ay naramdaman kong may nakatitig sakin at alam na alam ko kung sino yun pero mas pinili kong hindi ito pansinin.

Natapos na ang klase pero patuloy parin ang pag ulan at parang mas lalo pa itong lumakas. Inayos kona ang gamit ko upang umalis pero napansin ko na ang mga classmate ko ay patuloy parin sa pag usisa sa bago naming kaklase. Tumayo na ako at akma nang aalis ng may naramdaman akong presensya na papalapit. Anong kailangan nito?

"Capella" Isang tinig ngunit nakapag pakaba sakin ng todo. What the? Pano nya nalaman ang pangalan ko?

"Sino ka?" Yun agad ang nasagot ko sa sobrang pag tataka at dahil sa gulat.

"I'm Kylere" Seryoso ngunit nakangiti nyang tugon.

"Alam ko. Hindi yan ang gusto kong malaman. Pano mo nalaman ang pangalan ko? Bakit kanina kapa nakamasid? Sino kaba talaga?" Tuloy tuloy at walang preno kong tanong.

Tumawa sya ng malakas na lalong nakapag pagulat sakin at doon ko lang namasdan na halos lahat ng classmate namin ay nakatingin. Anong nakakatawa? Baliw ba sya o nangtritrip lang?

"Chill lang hahahaha" Tumatawa pa nyang sabi. " Una, pag daan ko sa harap mo kanina nakita ko I.D mo at nabasa ko pangalan mo. Pangalawa, pag pasok ko palang ang sama na ng tingin mo, parang hindi ka man lang ngumingiti parang pinapatay m na ako sa isip mo e" sagot nya sa tanong ko.

Tinitigan ko lang sya ng ilang minuto at saka bumuntong hininga. Siguro nga OA lang ako, pero may mali talaga. Tumingin muli ako sa kanya at saka ako umalis. Im not good when it comes to converstion.

"Wait, Capella!" Narinig kong sigaw nya pero hindi ko na sya nilingon. Gusto ko nalang umuwi at mag pahinga.

Pag labas ko ay kataka takang huminto na agad ang ulan. Kanina lang ang lakas ng ulan ah?. Nag lakad ako palabas ng gate ng school at nag antay ng bus. Makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na ako. Doon ko sa dulo piniling umupo. Tumingin ako sa bintana at bakas pa doon ang ulan kanina. Ilang minuto lang ay narating ko na ang bahay ko. Bumaba ako at nag lakad. Hindi ako nakatira sa lugar na matao. Merong mini apartment na pinatayo sina daddy sa may kakahuyan. Yes. Kakahuyan. Maraming puno ang nakapaligid ngunit maaliwalas tignanat hindi nakakatakot? Madamng bulaklak at mga punong may bunga. Lupa din ito nila daddy at dahil mahilig ako noon sa mga fairies hiniling ko kay daddy na dito nalang kami gumawa ng mini apartment para dito na kami mag ba
bakasyon. 

Simula nang mamatay si mom at dad dito na ako tumira. Binenta nila tito ang bahay namin sa manila at mas pinili ko dito. Gusto nila duon na ako tumuloy sa kanila pero i refused. Mas gusto kong mag isa.

Pumasok na ako sa bahay at nag bihis. Ginawa ko narin ang routine ko tuwing umuuwi. Mag luluto, kakain at mag lilinis. Nang matapos na ang lahat ay lumabas na ako dala ang librong paborito kong basahin. Pumunta ako sa may harapan ng bahay at nag latag ng sapin. Isa ito aa gawain ko. I loved stars alot. Lagi ko silang kinakausap na para bang isa isang nilalang na handang makinig. Nahiga na ako at sinimulan silang titigan. Unlike kanina na sobrang gloomy ng paligid, ngayon ay sobra namang mag ningning ang kalangitan.
Hinanap ko ang paborito kong bituin ngunit hindi ko ito makita. Paborito ko iyon dahil sobrang kinang non at feeling ko kinakausap din ako pero wala ito. Siguro dahil sa ulan kanina. Kaya tinignan ko nalang ang ibang bituin.

"Sana katulad nyo nalang ako. Kahit gaano kadilim ang mundo, handa pa ring mag ningning. Alam nyo yung feeling na sa tuwing namimiss mo yung parents mo, feeling mo sobrang dilim ng mundo? Ganun kasi ang nararamdaman ko. No one cares. No one knows what you feel. No one will ask  "are you fine?." I feel hopeless again. I feel alone.  Can you feel me to? " Malungkot na kausap ko sa mga bituin.

"You're not alone anymore."

Nagulat ako sa biglang bulong na yon. Napatayo ako bigla at napatingin sa paligid ngunit walang tao. Dahil sa takot ay nag mamadali ako nag tatatakbo papunta sa loob ng bahay.  O gosh!!

Magic that lies within youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon