Chapter 10

33 3 0
                                    

Chapter 10

"Hindi ba talaga iyon nangyari?" Pamimilit ko kay William. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng nangyari.

I mean, kung hindi man iyon nangyari... it really makes sense. Para kasing imposible na makaligtas ako sa ganoon nang walang tumutulong sa akin. I am just being indenial, I guess. And again, it really feels true!

"The what? Ice cream thing? I'm sorry but I think you're just hungry, Miss..."

Umirap ako. "Iba akong magutom sa ice cream. Isang kompanya na kaagad ang binibili ko."

Napahimas siya sa chin niya. "What a kid..."

"Kid? Do I look like a kid to you?" Mataray kong tanong.

"Extremely yes..."

"Whatever!" I said. "Pero... hindi talaga nagka-tsunami or kahit earthquake man lang?"

He shook his head.

Hindi ako disappointed about that. Nagulat lang ako. Feeling ko nga ay dama ko pa rin ang tubig mula sa dagat hanggang ngayon. Then, idagdag mo pa si Julia. Parang nakilala ko talaga siya in actual!

Imposible. Sabi nilang lahat, panaginip lang iyon!

"Malabo iyang mangyari. Italy is totally in peace..."

"You sure?" Paniniguro ko.

"I don't tell fake stories."

"Hmm... malay ko ba kung may tinatago ka lang sa'kin, 'di ba?"

Napahinga siya nang malalim. "I'm not a liar, Miss. If that's what you are trying to say."

"Whatever, man."

"Stop thinking about it, Yllena. I think you're just watching too many movies. O hindi kaya... panaginip mo lang talaga iyon."

"Feeling ko talaga hindi iyon panaginip, eh." Naiinis nang sabi ko. "It seems so real, you know?"

"That's how life works. The things in our minds are far from reality."

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Humuhugot ka? Bakit? Break na kayo ng jowa mo?"

"Girlfriend, Yllena."

Nagtaka ako. "Huh? Magkamukha lang naman 'yon."

He shook his head. "Magkaiba. Jowa sounds like a joke, past time. But if it's girlfriend, the relationship is a serious one. I want to label my girl decently."

Umikot ang mata ko. "Ang dami mo namang alam. Jowa man o girlfriend, parehas ka lang din lolokohin niyan."

"You know what?" He frowned. "For a playgirl, you're too bitter."

"Iniinsulto mo ba ako?"

He chuckled. "Sorry, Miss..."

Inirapan ko lang siya. "Whatever. Tss."

We're getting close to each other. Ramdam ko kasing... nawawala na ang formality niya at some point. Well, I am just letting him do so naman—which is rare, and definitely not part of my personality!

"Ah, I forgot to tell you..." Biglang sabi niya. "Nasa itaas pala ang mga pinsan mo."

"Huh?" Gulat kong tanong. "Wala ba silang pasok? Bakit nandito sila?"

"Gusto raw nilang hintayin kang makauwi sa bahay."

Napangiti ako. They are so thoughtful.

"You're very lucky."

I genuinely smiled. "I know. They're the best..."

"I wish I could have cousins like them."

"Bakit? Wala ka bang mga pinsan?"

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now