LOA S2 Part 32: Sugo ng Dilim 2

1.1K 102 2
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Natawa siya. "Ganito naman talaga ang gagawin ko sa lahat ng planetang gusto kong gunawin. Mag kakalat ako ng naka mamatay at nakalalasong virus sa kanilang mga katawan hanggang sila ay maging mga halimaw. Hindi ba't nakakatuwang pag masdan na sila mismo ang nag kakainan?" ang wika niya at habang nasa ganoong pag sasalita siya at bigla nalang nanlaki ang kanyang mata at tumulo ang dugo sa kanyang bibig.

Dito ay nakita ko si Nai sa kanyang likuran na may hawak na espada, nakatarak ang talim nito sa kanyang katawan, mula sa likod ay tagos ito sa kanyang harapan. "Mas nakakatuwang pag masdan kung mamamatay ka nalang." ang wika niya sabay pihit sa espada..

Part 32: Sugo ng Dilim 2

JOREL POV

Gulat na gulat ang kalaban, bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag kabigla dahil sa ginawang pag saksak ni Nai.

Maya maya ay nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha at ngumiti ito saka naging mga paniki ang katawan. "Akala niyo ba ay ganoon kadali? Kung papatayin niyo ako ay dito sa aking "puso" ang asinta at hindi sa dibdib." ang wika niya at muling nabuo ang katawan at nakita nalang namin na naka upo ito sa ituktok ng gusali.

Nanatili kaming lumilipad ni Nai at kapag may lalapit na bangkay sa guhit ng taranghan ay pinapasabugan namin ang mga ito. "Maganda hindi ba?" tanong niya.

"Ang mga bangkay na nabuhay at naging mga halimaw?" tanong ni Nai

"Oo, ako ay isang Diyos, nilikha ako ni Ama upang gampanan ang tungkulin ng pag patay at pag wasak sa mga planetang wala nang silbi. Alam ninyo na ang isa sa pinaka dramatikong paraan ng pag wasak sa isang daigdig ay ang lasunin ito, ang lahat ay mag papatayan, iiyak, sisigaw, matatakot at babawian ng buhay. Mas masarap panoorin ang isang nilalang na dumaraan sa emosyon ng matinding takot at pag hihirap bago sila mamatay. Sa oras na nag bagsak ka ng isang mikrobyong lason sa lupa at gagapang ito at magiging epedemiya. At ito ang nais kong gawin sa planetang Earth at Roika. Gagawa ako ng mga nilalang na patay pero lumalakad at kumakain ng tao. Sa aking talino ay madali lamang lumikha ng mikroboyo.

Naalala ko pa noon, ang planetang ito ng Wakgol ay matiwasay, tahimik at masaya ang mga nilalang. Pero wala silang pag ulad, walang nangyayari sa kanilang pamumuhay, basta nag tanim lang sila ng pag kain at sapat nang may mailaman sila sa kanilang sikmura. Sa huli, ang planetang ito ay walang pag asenso. Kaya naman nag pasya akong wasakin ito at gawing himlayan ng mga patay na nabuhay. Ito ang produkto ng aking pag sasaliksik, isang perpektong mundo ang mga halimaw." ang masayang wika niya sabay tayo at saka lumipad patungo sa aming harapan.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon