LOA S2 Part 34: Senbon

1.2K 96 3
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Nag liwanag ang aking mata at ibinuga ko sa ere ang enerhiya mula dito pero halos nasagad na ito kaya nawala rin agad, ni hindi tinamaan ang higanteng bagay na parating.

Nasa ganoong posisyon ako ng agad akong hinala ni Nai at dito ay mabilis kaming lumipad palayo para maka iwas. Lumikha ng pinaka malakas na pag sabog ang mga ito noong tumama sa lupa dahilan para mabiyak ang paligid at masira ang lahat ng dito

Part 34: Senbon

JOREL POV

Dumagundong ang malalakas na pag sabog sa buong kakahuyan noong bumagsak ang apat na malalaking kamay ng kalaban. Ang lahat ito ay humaba pa at hinabol kaming dalawa ni Nai.

Mabilis ang aming pag lipad ngunit kinakailangan paring umiwas dahil umuulan ng patalim sa paligid at sa itaas dahil may kakayahan ang mga dambulahang kamay ng hingante na mag labas ng mga sandata sa kanyang mga balat na parang mga insektong lumalabas at lumilipad patungo sa amin. Kapag nag dikit dikit ang mga palatim ay sumasabog ito na nagigiba ang kahit na anong madaanan.

Magulo ang paligid, wala kaming magawa kundi ang umiwas at sanggahin ang mga ito. Paminsan minsan ay ginagamit ko ang laser sa aking mata bagamat hindi na ganoon kalakas ito.

Noong makaramdam ng pagod sa pag lipad ay kapwa kami nag tago ni Nai sa likod ng isang malaking bato. Pareho kaming hapo at hinahabol ang pag hinga. "Kuya, nakita mo yung nag liliwanag na bahagi sa dibdib ng higante? Maaaring nandoon si Sebon. Sa palagay ko ay walang pag asang matalo natin ang mga braso ng higanteng ito dahil para silang bakal sa tigas." ang wika niya.

Tumingin ako sa kanya "kanina ko pa tinatangkang lapitan ang bahaging dibdib ng halimaw pero imposible dahil sa rami ng harang dito." ang sagot ko.

Kumilos ang kanyang duguang kamay at may dinukot sa kanyang punit na kalasag. Isang bilog na bagay na kakaiba ang anyo.

Maya maya ay pinindot niya ito at dito ay may lumabas na isang malaking baril na parang kanyon. Isinampay niya ito sa kanyang balikat. "Ang hirap maging marksman kuya." ang wika niya sabay ngisi. Nakita ko nanaman tuloy yung di kaaya ayang ngipin niya na pang pangil na hindi pantay pantay. "Ikaw ang pinaka magaling umasinta, kaya marahil ay iyan ang taglay mong kakayahan." tugon ko habang naka ngiti.

Tumingin siya sa akin ng seryoso at nag wika. "Bigyan mo ako ng oras kuya. Matagal mag karga ng enerhiya ang kanyon ko. Kailangan kong mag tago dito upang mag ipon ng sapat na lakas." ang wika nito.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon