𝙺𝚎𝚒𝚕𝚊

12 2 0
                                    

FEBRUARY 16

"Almarinez got the highest score. Class dismissed. See you on Tuesday."

"Uy Keila! Congrats!"

"Kei! I'm so proud of you! Congrats!"

"Uy Almarinez congrats ah! Balato sa points! Hahaha! Joke!"

"Congrats beh!

Sobrang saya pala sa puso pag pinupuri ka ng mga kaklase mo! Hahaha!

FEBRUARY 19

"Chief! Ang anak ko! Hanapin niyo ang anak ko! Chief! Ang anak ko!"

"Misis misis kumalma ka andito lang ang anak mo nandiyan lang iyan sa tabi tabi!"

MARCH 6

"K-Keila? Anak? Keila anak! Ikaw ba 'yan?!"

"M-Mama... Mama nabuhay ako!"

"Anak saan ka ba nanggaling? Anak, ilang linggo kang nawala! Anak ano bang ginawa mo?"

"Mama sorry. Sorry Mama."

MARCH 17

"Putangina mo! Putangina mo Keila!"

Napaluha na lang ako hindi ko alam kung bakit noong nawala ako, hindi na ako ang matatag na Keila.

"Ew Keila the Soft Girl."

"Ew dati nasa top si Keila?"

"Keila hilig sa peach."

"Keila ew!"

APRIL 5

"K-Kuya ayoko maawa ka Kuya wala akong ginagawa Kuya madami--"

"Manahimik ka na pwede ba?! Hayaan mo akong magsaya ngayong gabi sa katawan mo Keila, matagal na rin akong nagnanasa sayo high school pa lang tayo. Hayaan mo ako."

Kadiri ka Keila. Kadiri ka.

APRIL 8

"Napakasama mo Rodrigo! Anak mo si Keila! Bakit mo ba kinakampihan si Jeter?! Bakit ba mas pinipili mo--"

"Dahil nauna kong anak si Jeter! Wala akong pakialam kung ginahasa ni Jeter si Keila dahil hindi ko siya mahal! Patay na si Keila at wala akong pakialam!"

"Napakasama mo Rodrigo!"

APRIL 18

"Nawawala ang isang binatilyo ilang araw na ang nakalilipas ngunit kagabi natagpuan itong walang pulso at hubad na katawan. Nagngangalan ang biktimang Jeter Almazon."

"Keila, masaya ka na ba? Nagtagumpay tayo mahal."

"Hindi magtatagal isusunod ko na si Papa."

APRIL 19

"Kapitan sa Brgy. Trigo, natagpuang patay at putol ang ulo."

APRIL 20

"Ilang mga kabataan natagpuang patay sa kakahuyan sa Brgy. Trigo. Malakas ang hinala ng ilan sa mga residente na may pumapatay daw sa kanilang barangay; Mga residente, nagsilikas."

"Keila matatahimik ka na ba?"

"Isusunod na kita."

APRIL 21

"Keila huwag mong gagawin ito sa akin. Keila tinulungan kita!"

"Pinatay mo ako Jeff! Pinalabas mo na patay na ako! Jeff paano mo nagawa lahat ng 'to."

"Keila hindi ako yun!"

"Jeff! Wag ka na magsinungaling!"

"Keila..."

APRIL 22

"Rest In Peace Jefferson Almazan."

"Mananahimik ka na ba Keila?"

Buong buhay ko namuhay ako sa pagkamuhi sa sarili ko. Akala ko sa paglalakbay ko may makakasalubong akong sasalba sa tulad kong mangmang. Ngunit nakasalubong ako ng hihila sa akin pababa sa mundo ng mga mangmang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Keila -One Shot-Where stories live. Discover now