WAI 5: Erza

98 2 0
                                    

Tinetext at tinatawagan ko si jace pero hindi siya sumasagot. What is he doing now? I missed him so much.

"Why the long face sweety?" Sabi saken ni Ma'am Asha, nagcucutting ako ngayon, alam niyo naman ako! Tamad ako.

"Hindi po kasi nagrereply si Jace"

"Baka naman busy?"

"Baka..."

"Kasama kasi niya si Erza" napalingon ako sa nagsalita.

"Yuan?"

"Gulat ka ba?"

"Sa mukha mo? Oo."

"Di mo talaga alam kung nasaan ang bestfriend mo?"

"Kung alam ko edi sana kasama ko siya.Bakit ba kasama na naman niya yung babaeng yun? Di na siya natauhan!"

"Bakit? Nagseselos ka ba?"

"Hindi.Si Erza lang naman kasi ang nanakit sa kanya"

"Ahh"

Natahimik kami bigla,bakit nga ba ako nakikipagusap sa gagong to? Eh di naman kami close! So I've decided na lumabas na sa library tapos dumiretso na ko ng classroom.

"Oh Queenie, ikaw ang lowest sa english!" pabagsak na binigay ni Sir Lee yung test paper niya.

Patuloy parin siya sa pag-nguya niya ng bubblegum.Wala ba siyang pakialam sa grades niya? Ayaw niya bang makapantay manlang yung mga kaibigan niya? Well ako din naman bagsak ako lagi, pero gusto ko manlang sa sarili ko na kapantay ko yung mga friends ko.

"Incredible Ms.Charns, ikaw ang highest"

Kumislap bigla yung mga mata ko, for the first time naging highest ako sa English! Sigurado akong matutuwa si Jace neto, kaso ayoko naman siyang istorbohin, masaya naman siguro siya don kay Erza kaya siya nakipagbalikan, right? Alam ko naman na hindi siya gagawa ng isa pang pagkakamali eh. Once is enough na nga eh, yun pa kayang nine times? 

~

Naglalakad ako papuntang canteen at aasahan kong makikita ko si Jace, pero wala! Absent siya! Napasimangot tuloy ako kaya nung nakita ko sina Jiro, lumapit ako sa kanila.

"Te, wala pang holy week, pero yang mukha mo biyernes santo na biyernes santo" -Jiro

"Paanong hindi magiging ganyan ang aura niyan? Eh wala si Jace" -Taf

"Oo nga no! Pansin ko din"

"Ah excuse me? Pwede maki-table?" I looked at him, hindi ko siya kilala, transferee ba to? Infairness gwapo.

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon