THE BASKETBALL GAME (one-shot)

555 15 2
                                    

THE BASKETBALL GAME

"Hi Clarissa!"

Naku! Kilala ko na ata kung sino ang bumati sa'kin kahit hindi pa ako nalingon.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na lumapit pa sya sa tabi ko.

"Rose nga pla. Para sa'yo."

Humarap ako sa kanya sabay abot ng isang white rose. "Ahhh. Thanks."

Halos araw-araw ay ganyan ang drama ni Arvin. Oo. Manliligaw ko sya. Katunayan ay dalawang taon na syang nanliligaw sa'kin. Matagal na ba masyado? Hmm. Okay lang yun. Magtiyaga sya. Hahaha.

Kung iniisip nyo na pangit si Arvin kaya hindi ko siya sinasagot. Well, nagkakamali kayo!

Gwapo siya. Mala-artista ang dating kaya nga nagtataka ako kung bakit sa dami ng babae dito sa school ay ako ang pinagtitiyagaan niyang ligawan to think na ang daming naghahabol sa kanyang babae. Yung mga fan firls niya. Sikat kasi sya sa school namin.

"Ahmm, Clarissa, una na ako ah? May practice pa kasi kami e. baka magalit pa si Coach pag nalate ako. Sige ah? Pasensyaka na kung hindi kita maihahatid ngayon. Stirkto ngayon si coach e. alam mo na. malapit na kasi ang tournament."

"Ahhh. Okay lang. Sige."

Oo. Tama ang iniisip nyo.

Varsity ng school si Arvin. Hindi lang basta player kundi captain ball pa! Siya ang pinili ni Sir Ramon. Aamin ko, magaling si Arvin kaya hindi nakakapagtaka kung bakit siya ang CB.

"Hoy babae! Dalawang taon na siyang nanliligaw sa'yo ah bakit hindi mo pa siya sinasagot?" tanong sa'kin ni Jenny, isa sa mga kaibigan ko.

"Oo nga. Ateng, relasyon ang pinatatagal hindi ang panliligaw." Pagsangayon naman ni Frances.

"Alam nyo naman ang reason ko di ba?" sagot ko.

"Hay! Grabe ka naman the! Hindi naman siguro lahat ng varsity e player, manloloko. Sa itsura naman kasi si Arvin parang hindi sya ganun." - Jenny.

"Like hello? Two years! Two effin' years. Sagutin mo na." - Karen.

"Ang tamang tanong kasi jan mga mare e mahal mo na ba?" - Frances.

Natigilan ako sa tanong sa'kin ni Frances. Mahal ko na nga ba si Arvin?

*KKKKKKKKKKRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG*

"Amm. Tara na sa classrooom. Si miss maduramante pa naman ang next teacher natin. Ayaw nun ng late comers.", yaya ko sa kanila.

"Saved by the bell. But next time, sagutin mo yung tanong namin ah?" - Frances.

I just smiled at them in response.

* two hours before the Final game*

Naglalakad kami papunta sa gym ng school. Sa school kasi namin napagdesisyunan na gawin ang game3 para sa final game. Oo. Finals na. 1-1 kasi ang score kaya nagkaroon pa ng game3.

"Clarissa, si Arvin oh." Sabay turo ni Jenny sa kinaroroonan nito.

"Ehem! May kausap siya na babae. Sino naman kaya iyon?" - Karen.

"Naku! Baka pinagpalit ka na girl! Hindi mo pa kasi sagutin. Yan tuloy." - Jenny.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan bigla na lang akong nakaramdaman ng kirot sa nakita namin na yun.

Nainip ka na ba talaga, Arvin?

"Tara! Lapit tayo." At ayun, hinila na nila ako papalapit sa pwesto nya.

THE BASKETBALL GAME (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon