Chapter 1

31 0 0
                                    

Chapter 1

New Classmates

Dimos Matthaios' P.O.V

Kakapark ko pa lang dito sa parking lot ng Philippines International School o PIS nang tumunog ang telepono ko. Wala pa man ay napangiti agad ako sa caller.

"Dre, san ka na? Monday ngayon woi! Sayang ang mga chics!" si James.

Pambihira talaga 'to, Yong 'hello', Asan? Limot lahat basta chics ang usapan.

Umirap ako habang tinitignan ang sarili sa review mirror.

"James, relax. Kilala mo ako. Kahit anong araw 'yan pagkakaguluhan pa rin ako" pagmamalaki ko, di mawala ang ngisi.

"Well, I'm just making sure na papasok ka ngayon. Malay ko ba? Baka kasi.. naduduwag ka na sa..." pambibitin pa nito.

"Ulol!" asar na singhal ko sa kaniya nawala sa konsentrasyon sa ginagawa.

Rinig ko ang malakas niyang halakhak dahil sa tinuran ko. Isa si James sa miyembro ng grupo namin. Simula pagkabata ay kaibigan ko na ito. Actually, lahat ng miyembro sa grupo ay kapwa ko mga kababata. Sabay-sabay din kaming lumaki at siguradong sabay-sabay din kaming tatanda. Halos kilala na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa. Sama-sama sa lahat. Sa pag-aaral man maging sa kalukuhan.

"I'm here at the parking lot. And you know me, I'm not afraid of anything. In fact, baka ikaw ang mamulubi mamaya!" kasunod ang tawa kong pang-asar sa kaniya. May pinapahiwatig sa tinuran. Ganito kami mag-asarang dalawa. Dinadaan sa pabirong payabangan. Wala ng bago dito, sanay na kami sa ganitong usapan.

"Aba.. Mukhang nakakaamoy na ako ng pagkatalo ngayon ah." binahiran niya ng kunwaring paghihinayang ang boses pero lamang pa rin ang pagkaaliw.

"Bakit mo kasi ako hinamon pa ng pustahan eh matatalo ka lang naman. James, James, James, you're wasting your time" biro ko pa sabay iling ko sa pang-aasar na para bang nasa harap ko lang siya at nakikita niya ako.

"Yan ang gusto ko sayo eh! Ang lakas mo, Dimos Matthaios! Isa kang Alamat!" Sabay pa kaming napahalakhak sa tinuran niya.

Sa akin ay may pagmamalaki at pagyayabang.

"Sinabi ko naman kasi sayo, James Miguel, walang hinding magkakagusto sa'kin.!" birong totoo ko.

"At malas lang nila kasi nahulog sila sa bitag mo, kawawang nilalang.." aniya na may lakip na paghihinayang.

"Sa iyo pa talaga nanggaling 'yan ah. James Miguel, mas malala ka pa sa'kin woi!" Kung sa pambabae din lang, nasisiguro kung expert na siya. Sa akin naman ay kumbaga nasa Professional level pa lang.

Isang malakas at totoong tawa ang sagot nito. Mapapailing ka na lang talaga sa uri ng tawa nito. Nakakahawa. Ang lakas mapagsalita ng luko.

"Pero iba ka talaga Dre. Saludo ako sa tindi mo! Tatlong araw lang napasagot mo na agad!," patuloy nito nang medyo humupa ang tawanan. Di makapaniwala sa bilis kong gumalaw.

"Ako pa." pagmamalaki. "Girls are so easy. Isang titig ko lang nahuhulog na sa'kin, you know that." tawa pa rin ang sinukli nito. Alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko dahil ganun din ang nangyayari sa kaniya. When it comes to girls, ayaw man o gusto namin, nagkakagusto na agad ang mga ito. Isa si James, hindi, lahat sa grupo ay magagandang lalaki sabayan mo pa ng malakas na karisma, babae na mismo ang nagbibigay motibo.

"Pahirapan mo naman ako oy!" pagpapatuloy ko sa asaran namin.

Tumawa ito sa kabilang linya.

"Wag mong hingin sakin yan at baka magsisi ka," si James, may himig babanta.

Red HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon