Dani's POV
Tapos na kaming kumain at ngayon ay nagkukwentohan nalang kami ng kung ano ano. Pero dito parin sa loob ng Cafeteria.
"Weeeh talaga Law?" si Daga habang kinakausap si Clew.
"Oo naman, matalino talaga ako." si Clew.
"Weeh ba't parang hindi halata? Hahahahaha" pang aasar ni Daga sa kanya.
"Alam mo ikaw! Kanina pa ako naaasar sayo ah! Anong gusto mo suntokan tayo katulad ng kay Ice at Vegeta kanina?!"
"Sinong Vegeta? Sino yun Ice?" baling sakin ni Daga.
"Yung kalaban ni Guko. Sino pa ba?" ako.
"Huh? Si Vegeta nagpunta dito? Impossible naman ata?"
"Impossible talaga kung maniniwala ka. King ina ka naman eh. Pwede ba naman yun? Hahahahaha tanga lang? Ganon?" pang aasar ni Clew sa kanya. Edi nakaganti rin...
"He! Tumahimik ka, ikaw ba yung tinatanong ko? Hindi diba?! Diba?!"
"Asa ka naman na sasagutin ka ng matino nyan." nguso sakin ni Clew.
"Eh sino nga yang Vegeta'ng yan?" si Daga.
"Eh sino pa nga ba? Edi si President..."
"Huh? Pano naman naging Vegeta yun?" nakangusong tanong ni Daga na nagsasalubong pa ang kilay.
"Tanong mo dyan." nguso sakin ni Clew.
"Ice?" tanong ni Daga sakin.
"Mala hari ng kalawakan. Kala mo kung sino kung umasta. May paNEMO nemo pa syang malalaman, anong akala nya, nakakatuwa yung pinagagagawa nya?" I said in a calm tune pero hindi nawawala yung inis ko.
"A-Ano bang nangyari kanina?"
"Sa totoo lang hindi ko rin alam eh."
"Eh diba iniwan lang kita dito kanina saglit kasi magsi cr lang ako saglit?" Si Clew.
"Hmm. Tas lumapit ako doon sa pila kaso subrang haba pa kaya tumalikod ako para sana bumalik dito kaso may biglang tumulak dahilan para mapunta ako kay Vegeta." Litanya ko.
"Hindi mo naman pala sinasadya eh. Sinabi mo ba?" Si Daga.
"Hmm."
"Eh, bakit nagsuntokan kayo?"
"Eh hindi sya naniwala eh. Anong magagawa ko?"
"Kaya mo sinuntok?"
"Hindi ko sinuntok"
"Eh pano?"
"Sya yung nauna."
"Eh gago pala yun eh. Sya ba may gawa nyan?" turo nya sa labi ko.
"Hindi."
"Panong hindi? Eh diba nagsuntokan kayo?"
"Hahahahaha, walang sinabi yun kay Ice, eh hindi nga daw naka tama kahit isa eh Hahahahaha." singit ni Clew.
"Huh? Nagugulohan ako." si Daga.
"Haha magulo naman talaga kahit noon pa yang isip mo hahahahaha. Eh hindi Ba't nailigtas nga ni Ice yung Unknown man? Yan pa kayang si Vegeta? Sayang di ko nakita yung mukha ni President kanina.. pero Ice baka gantihan ka nun." Si Clew.
"Hala, kung hindi ka man lang nya napurohan ibig sabihin may ibang gumawa nyan?" Daga
"I-Ice? May iba ka pang kalaban bukod kay Vegeta?" Si Clew.
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Action#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...