TWENTY TWO

3.1K 79 1
                                    

Tulala akong nakatanaw sa maliit naming bahay, ngunit kahit paano ay nagbago na..

Pinaayos ko ito nung mga panahong nasa states pa ako..

Malungkot mang isiping hindi ako bumalik dito sa lugar namin mula noong umalis ako dito pamaynila..

sa loob ng ilang taon nasa manila at states lang ako at tanging telepono lamang ang nag uugnay saming dalawa..

Ang sabi ni inay nakatapos nadaw si ate sa pag aaral..

Balak ko na ding magaral ng kolehiyo..

Mayroon naman akong naipundar para sa mga gastusin ko kung sakali..

Napatingin ako sa gilid kung saan tanaw ang bundok at ang palapit na sinag ng pang umagang araw..

Ang mga pawang musika sa teynga kung humuni ang mga ibon..

Ang mga tilaok na manok dahil sa paumagang araw..

Masaya akong napabuntong hininga...


I'm home..

Nakauwi nadin ako sa wakas sa san isidran..

Naalala ko tuloy kagabi ang pangungulit ni Javis na ihatid daw ako dito..

Ngunit hindi ko ito papayagan..

Ayaw ko kasing makita ito sa pag alis at alam kong luluha lamang ako at mas pipiliing sumama na sakanya...


Wala nga ito kaalam alam na tumulak na ako pa san isidran..

Umalis ito ng mga alas 7 ng gabi dahil kay Chloe..

Sasama sana ako kaso mas pinili kong magpaiwan nalang at binalak na iwanan na ito ngayong gabi..





Nag iwan naman ako ng sulat na babalik ako, pero bakit parang ang sakit sakit na isiping hindi ko makikita si Javis ng ilang araw..


Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo kaya dali daling napahawak ako sa puno nilang suporta..

Nawala din naman agad...

Oo nga pala hindi ko pwedeng i-stress ang sarili dahil nadin sa nangyayari sakin..

Umiling ako at bahagyang tinampal ang mga pisngi at marahas na nagbuga ng hangin papalabas...

Mahigpit kong hinawakan ang stroller maging ang suot na shoulder bag ay mahigpit ko din iyon hinawakan, bago napag desisyunang pumanhik na sa bahay...



Napasilip pa ako sa gilidan kung may gising napa sa pamilya ko at nagpapakain na ng mga alagang itik..

Hhmm... mukang wala aa?


Kinakabahan pa akong napatitig sa pinto..

Di alam kung kakatukin kuba o hindi..

Ngunit sa huli ay,

Kinatok din naman..

Ilang beses akong kumatok, hanggang sa makarinig ako ng..

"OO ANDYAN NA SAGLIT LANG!"

kinakabahan akong napangiti..

Si ate chesonia..

Umatras ako ng isang hakbang at kinakabahan sa magiging reaction nila..


Parang slowmo lang ng magbukas ang pinto..




Hanggang sa makita ang ate kong...




Nakabihis ng uniporme ng panigurado ako ay uniform ng pang office iyon, basa pa ang buhok, pumuti din ito at halatang halata ang hubok ng katawan..



"CHESSIA!!?" nanlalaki ang mga mata nito at hindi alam kung ako nga ba ang taong nasa harap niya o hindi..



Nagsimulang tumulo ang luha ko...




Malaki ang hakbang na sinakop nito makalapit lang sakin at mabilis na kinabig ng yakap...








"Chessy!!" Bumulahaw ito ng iyak at tiyaka binaon ang muka sa aking leeg...

Pati ako'y bumulahaw nadin ng iyak..

"San ka nagpunta!!! Halos nag alala kami sayo ni inay!! Ng tumawag ang pamilyang celvantes ay para kaming pinagsakluban ng langit at tiyaka lupa!! Dimo alam kung anong nararamdaman namin sa sobrang takot!!!" Umiiyak nitong pag aanya..

Habang ako ay wala ng ginawa kundi ang humingi ng tawad sakanila...


Inaya ako pumasok ni ate sa loob habang may luha pading tumutulo sakanyang mga mata..






"NAY! NAY!" sigaw ni ate..

Napangiti ako sa tuwa ng pina dalawang palapag napala nila ang bahay..


Pangarap ko ang ganitong bahay..

Akala ko'y maliit iyon naman pala'y lumawak na ang loob..



Nakaupo ako sa lamesa may mainit na kape doon at isang laptop, maging ang mga papel ay bahagyang nakakalat...


Napangiti muli ako ng makita ang pagsusumikap ni ate..


Hindi ako nagsising huminto ako sa pag aaral, para lang sakanya...



"Dali inay may bwisita tayo!!" Natutuwang sabi ni ate..


Napahagikgik ako dahil hindi parin pala nagbabago si ate sa ganyan..




"Sonia! Aba't maghunus dili kanga at dala ko si lilly ano ba!" Nanay...


Nanubig nanaman ang mga mata ko sa tuwa ng marinig ang boses ni nanay...






"Charan!!!" Anya pa ni ate..

Ang naguguluhang mga mata ni nanay ay unti unting napalitan ng gulat..


Naagaw din ng pansin ko ang buhat buhat na bagong gising na bata..



"Chessy?" Mahina at kinakabahan na tanong ni nanay..



Muli..

Tumulo nanaman ang luha ko saking mga mata.


"CHESSY!!"

Kinuha ni ate ang batang babae at dali daling tumakbo saakin..

Masaya konaman itong sinalubong..




"Anak ko" hagulgol ni nanay..



Habang ako ay halos dina makahinga dahil sa kakaiyak..




"Anong nangyari sayo at halos anim na buwan kang di nagparamdam"


Iyak pa nito...



"Sorry nanay"




Sa buong oras na tinatanong ako ay ang tangi ko lamang naiisagot ay ang salitang..




'Tawad'

Love maze(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon