Cleo's POV
Monday nanaman at tinatamad akong pumasok sa trabaho because unang araw ko sa pagiging sekretarya ng best friend ko, kung kaibigan pa talaga ang turing nya sa akin. Nung Friday mas pinili ko nalang umuwi ng maaga after ko makausap di sir Louie at kung paano ko asikaduhin ang lahat pag siya ay nasa opisina ay dapat ganun din pag dating sa kay Miguel.
"Self kalma kaya mo yan gaya ng sinabi nya kalimutan ang nangyari." Tama Cleo kalimutan mona.
Pag dating ko sa company ay agad naman akong binati ng mga nakakakilala sa akin and as usual todo ngiti naman ako at sumakay naman ako sa elevator.
"Girlfriend!!" Nagulat ako ng biglang may tumusok sa tagiliran ko.
"Busit ka talgang lalaki ka! Ano nanaman ba?!" Tumawa lang ito na lalo ko namang kina inis.
"Wala lang ang aga mo kasing umuwi last Friday ee namiss lang kita." Putcha tong lalaking ito napaka daming tao sa elevator tapos ganyan mag salita nakalimutan na ba nya na bakla ako?
"Shh Jasper ang aga ahh babalian kita ng buto." Nag hagikgikan naman ang mga kasabay namin sa elevator.
"Ouch! Girlfriend! Ganyan ka ba mag mahal?" Tinignan ko na sya ng masama dahil sa kakaibang trip nito at umahimik naman ako dahil hindi titigil ang bunganga nito pag dinagot ko pa sya.
Pag dating sa floor nang mga boss ay naka sunod padin si Jasper sa akin patuloy na nag kwekwento sa mga happenings last Friday.
"And you know what humabol si Erica doon sa party na halos panty at bra na ang suot." Napangisi naman ako sa sinabi nya.
"So natuwa ka naman dahil nakakita ka ng bundok hahahaha."
"Yes! I mean No! Bakit naman ako mag kaka interes dun ee ikaw lang maganda sa mata ko." Napangisi ako lalo dahil sa kasinungalingan nya.
"Alam mo Jasper wala namang masama kung minsan mag papaka totoo ka." Napahinto ako sa sinabi ko really Cleo? Coming from you? Ee sa sarili mo nga di mo maapply ee mag papayo kapa?
"Okay okay. Napatingin ako but tingin lang naman medyo na ilang din ako sa kanya dahil knowing na makikita sya ng buong angkan namin as a girlfriend ni Miguel ay ganun sya mag ayos." Napa tango naman ako sa sinabi nya maybe gusto din naman ni Miguel ang mga ganun kaya hinayaan nya nalang si Erica nagawin yun.
"You know what saka na natin pag usapan yan ah baka ma late pa ako see you later." Tumango naman agad itong si Jasper at nag tungo sa department nya.
Pag ka dating ko sa table ko ay agad ko namang tinignan ang mga naka line up na schedule ni Miguel.
7:54 am na and 8:30am ay may meeting agad sya with the heads ng Accounting and Operation department.
Nag lakad na ako papasok sa opisina ni Miguel ng nabigla ako sa aking nakita.
"What the f*ck." Biglang naitulak ni Miguel si Erica na nasa ibabaw nya. Halos matuyuan ako ng dugo sa aking nakita.
"Ouch! Hey Cleo!" Natauhan lang ako ng biglang mag salita si Erica bumalik naman ako sa katinuan dahil sa sigaw na iyon ni Erica.
"I'm so sorry, excuse me." Talikod na agad ako at hindi na sila tinignan. Ang bobo mo Cleo wag ka masaktan masyado nya nang pinamumukha sayo na straight sya at babae ang gusto nya hindi ikaw! Gumising ka na sa katotohanan!
Naiiyak man ay pinilit kong pigilan ang pag tulo ng luha ko. I promise na kahit may personal problem ako it won't affect my job.
Nag focus nalang ako sa pag reply sa mga emails at documents na kaylangan mapirmahan today. Maya maya pa ay lumabas na si Miguel at Erica na pareho nang maayos ang itsura.
BINABASA MO ANG
A Carrier's Cry [BXB] [MPreg]
RomanceAng storyang ito ay matuturing na gender breaker. Ano mang pag kakahalintulad ng mga pangalan, pangyayari at karakter sa storyang ito ay pawang nagkataon lamang. Bored lang ako kaya gusto ko ulitmag sulat ng something new. Unahan kona kayo pag pasen...