Chapter 41: Sacred Beasts

2.6K 128 33
                                    

Chapter 41: Sacred Beasts

Someone’s Point of View

Nakatayo ako sa harapan ng bintana, nakatanaw lang sa kawalan. Napayakap ako sa aking sarili. Umuulan na naman sa labas kaya ramdam ko ang lamig.

Napangiti ako nang mapait, ramdam ko, habang tumatagal ay lumalakas siya. At ako naman ay unti-unti nang nanghihina. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito bigla.

Gusto kong magalit dahil nandito na naman ang babaeng ito. Pero hindi ko magawa, hindi ko magawa dahil masaya akong makita siya. Masaya ako dahil binisita na naman niya ako.

“Sabine,” mahina kong saad. Hindi parin mawala sa’kin ang pag-aalala. “Bakit nandito ka na naman?” Pumasok siya at nagulat nalang ako nang makita ang kasama niyang bata.

“Trunks?!” nandilat ang aking mata at sinalubong ko ang bata. Patakbong lumapit sa akin si Trunks at niyakap ako nang mahigpit. Nakaluhod ako habang nakayakap sa bata.

“Namiss kita ate,” mahinang saad ng bata. Ramdam ko ang pagbiak ng boses ng bata. Alam kong pinipigilan niya lang ang sariling umiyak. Humiwalay ako sa yakap ko sa bata.

“Namiss din kita Trunks,” sabi ko at ngumiti nang mapait.

“Okay lang po ba kayo, ate? Sinasaktan niya po ba kayo? Natatakot po ako sa kanya ate.” Pinisil ko sa magkabilang braso ang bata. Saglit akong napatingin kay Sabine na ngayon ay nakaupo sa paanan ng higaan ko.

“Okay lang ako, matatapos din ang lahat ng ito.” Ngumiti ulit ako.

Umupo na rin ako sa paanan ng higaan katabi si Sabine habang si Trunks naman ay nakahiga at ginawang unan ang lap ko. Nag-uusap kami ni Sab hanggang sa nakatulog si Trunks.

“Okay ka lang ba?” naging iba ang ihip ng hangin. Tumango ako. Nilaro ko ang aking mga daliri sa buhok ni Trunks.

“Kailangan kong maging okay,” ramdam ko ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ni Sabine.

“Kaya mo pa ba? Alam kong alam mo na wala ka nang lakas. At alam ko rin ang mga ginagawa niya sa’yo. Halos kainin at ubusin na niya ang lahat ng natitirang enerhiya dyan sa katawan mo. Habang tumatagal ay lalo siyang lumalakas, at ikaw naman, nandito,” tumigil si Sabine at tumingin sa paligid ng kwarto ko. “Nandito ka lang at nakakulong sa kwartong ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala akong maisip na paraan para matapos na ito.” Tahimik lang ako habang nagsasalita si Sabine.

“Tsaka si Phoenix at Castro,” napatigil si Sabine. Tumango ako dahil alam ko kung anong nangyayari.

“At hindi rin natin alam kung may natitira ka pa bang kapangyarihan.”

“Sa ngayon,” pagsisimula ko. “Ang kaya ko nalang gawin ay bantayan ang mga galaw ni Freya. Unti-unti na niyang naiintindihan ang kapangyarihan niya."

Freya?” takang tanong ni Sabine. Ngumiti lang ako at tumahimik. May pag-asa pa, kailangan magtagumpay siya.

***

Freya’s Point of View

Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko noong isang araw. Isang malaki at kulay itim na lobo ang kasama ni Callus sa gubat. Naglalakad sa gubat na tila matalik na magkaibigan.

“Hoy, Freya! Tulala ka na naman dyan! Ano na naman bang iniisip mo? Festival of Talents na naman ba?” ngumuya ng sandwich si Mitchie. Nandito kasi kaming tatlo ni Mitchie at Ada sa cafeteria. Medyo napapadalas na rin kaming magkasamang tatlo rito sa cafeteria. “Naku ‘diba sinabi ko na sa’yo na okay na? Thanks to me nakapuntos tayo sa stage two.” Ngumisi siya na ikinainis ko.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon