Chapter 42: Cries For Help

1.4K 94 14
                                    

Chapter 42: Cries For Help

Freya's Point of View

"Magkikita ulit tayo, black dimension user."

Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko ang boses ng lalake sa loob ng utak ko. At malakas ang kutob ko na ang itim sa pusa na pagmamay-ari ni Trunks nagmula ang boses na iyon.

Napapapikit ako nang mariin para alisin muna iyon sa aking isipan. Inilabas ko ang notebook at ballpen mula sa bag ko at hinanda iyon para sa next subject ko. Nasa classroom na kasi ako at naghihintay sa next teacher.

Parang mga bubuyog kung mag-usap ang mga kaklase ko. Wala akong kausap ngayon kasi wala naman akong kaibigan dito. At kung meron mang gustong makipagkaibigan ay tinataboy ko agad.

Ayoko rin naman kasi nang malaking circle of friends.  Okay na sa akin si Ada at Mitchie. Pwede na rin si Mina at Sabine. At si Phoenix.

Wait what?!  Hindi kasali si Phoenix!  Hindi siya kasali sa mga kaibigan ko! At alam kong hindi niya rin ako gustong maging kaibigan. 

Bigla ko nalang naalala ang nangyari sa stage 2. Bigla na lang siyang dumating noong aatake na sa akin si Matilda. Niligtas niya ako. Kaming tatlo ni Mitchie at Ada.

Pero teka nga lang,  bakit ko ba siya iniisip?

Tinignan ko ang katabi kong babae. Napansin ko pa ang hairband na nasa ulo niya, may disenyo itong kulay pink na tenga ng pusa. Napasmirk nalang ako sa nakita.

Saka ko naalala ulit ang itim na pusa sa balikat ni Trunks. 

"Magkikita ulit tayo,  black dimension user."

Tsaka bakit hindi nila nakikita ang pusa? Si Mitchie, pati si Ada?  O sadyang maliit ang pusa kaya hindi nila ito nakita?

Pero hindi eh, alam kong  malaki ang pusa para hindi nila ito makita. May mali.

Bigla kong naalala ang sinabi ni aling Nemesis bago siya namatay.

"Ang black dimension,  pag-aralan mong gamitin ito."

Napalunok ako, biglang nagbago ang tibok ng puso ko. Bumibilis ito. 

Kailangan kong malaman ang tungkol sa black dimension na ito.  Alam kong malaki ang koneksyon nito sa ability na meron ako.  Ability na hindi ko pa tuluyang naiintindihan.

Bumalik ako sa reyalidad nang pumasok ang teacher namin. Tinuon ko muna ang atensyon ko sa pakikinig para hindi muna isipin ang mga bagay na lalong gumugulo sa isip ko. Dahil pakiramdam ko,  habang tumatagal ako rito sa school ay lalo lang akong naguguluhan.

May nahagip ang mata ko na siyang aking ikinagulat. Sa sulok ng classroom,  sa likod na parte ay nakaupo ang lalake, pansin ko sa mata niya na bored na bored na siya sa discussion.

Kilala ko ang lalake, siya ang lalake na nakita ko sa stage 2 at walang kahirap-hirap na napatumba ang kalabang limang  lalake. Biglang umalingawngaw ang boses niya sa isip ko.

"Ako si Castro."

Tama! Siya si Castro.  Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan sa mga oras na ito.

Ngayon ko lang nalaman na magkaklase pala kami ni Castro sa subject na ito.  At sana lang talaga as subject lang na ito ang magkaklase kami. 

Natapos ang klase at last subject na namin ito.  Agad na lumabas si Castro at tila nagmamadali pa ito.  Tumayo ako at niligpit ang gamit ko habang hindi inaalis ang tingin ko kay Castro.

Nagmadali akong lumabas at nagpalingalinga. Nahanap naman ng mata ko si Castro saka ko ito sinundan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na ito.  Kung bakit ko ito ginagawa. Kung bakit ko sinusundan ang isang napakadelikadong tao.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon