PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 2
AiTenshi
Jan 17, 2020
Part 37: Doktor
ACE POV
Ibayong sakit ng ulo ang aking naramdaman noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero pakiwari ko ay hindi pa tuluyang bumabalik ang aking lakas. Sinubukan ko sscan ang aking program, maayos naman ito at walang kahit anong pinsala.
Dito ay napansin kong nakatali na ako ng kakaibang pisi na gawa sa kung anong materyales. Wala na ang aking suit at ang tanging damit ko ay isang kulay puting hospital gown. Sa aking tabi ay sina Kuya Bart at Haring Cyan naka wala pa ring malay. Nakatali rin ang kanilang katawan at halos pare pareho kami ng suot na damit.
Dito ay nag balik sa aking isipan ang pangyayari kanina noong kami ay dumating lugar na ito.
FLASH BACK
"Nasira daw ang system kaya't tayong tatlo ang mag kakasama." ang wika ni kuya Bart noong matanggap ang mensahe ni kuya Gun.
"Ayos lang, tapusin natin ang misyong ito." ang wika ni Haring Cyan. Halos naka tingala ako sa kanilang dalawa dahil sobrang tatangkad nila.
"Nasaan ba tayo?" tanong ni Kuya Bart.
"Nandito tayo sa planetang Apasha. Nasa ika siyam na system sa kalawakan. Ilang libong milya ang layo mula sa Araknia." ang wika ni Haring Cyan, nalaman niya agad ito sa pamamagitan ng pag hawak sa lupa ng naturang lugar.
"Tama ba ang sinasabi ng haring ito?" tanong ni Kuya Bart sabay pindot sa buton ng helmet. "Ang init ng suit na ito, ang sikip sa katawan."
"Tama kuya, nandito tayo sa Planetang Apasha. Ang gas sa planetang ito ay kontamindo ng hydrogen at helium. Pero dahil si Kuya Cyan ay taga Araknia ay mas madaling nakaka adjust ang kanyang katawan. Si kuya Bart naman ay protektado ng binhi ni Cura kaya iniaadjust nito ang hangin at composition ng kanyang baga." ang wika ko habang naka ngiti.
"Eh ikaw? Ayos ka lang ba?" tanong ni kuya Bart.
"Opo. Ang katawan ko ay may naka imbak na 99 gases na maaari kong iadjust sa iba't ibang pag kakataon. Para lang akong nasa Earth!" ang masaya kong salita sabay pindot sa aking braso. Dito ay lumabas ang isang mapa na yari sa isang high tech na hologram. "Ipinapakita dito na mayroon ilang malalaking gusali sa gawi roon."
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...