Prologue

986 6 0
                                    

Habang hinihintay ang pag ikot ng dalawang kamay ng relo ko ay muli na naman akong bumaling sa aking harapan. Matatagalan pa siguro iyon, mauuna na lang siguro ako.

Bumaba na ako sa aking kotse at nagsimula nang bagtasin ang daan patungo sa puntod ni Tita.

"Lagot talaga kay Tita 'yon at hinayaan akong mag isang pumunta rito." Napailing na lang ako.

Mag aalas dyes na ng umaga nang tumawag siya sa akin at inaalam kung nasaan na ako. Akala ko pa nama'y nauna na siya sa akin. Siguro'y may biglaang meeting na naman sila.

I sighed heavily.

Nang marating ang puntod na hinahanap ay nagsindi ako ng kandila at taimtim na nagdasal.

Matagal na rin pala noong huli kaming nakapunta rito.

"Hi Tita, long time no see. Pasensya na po wala pa po ang magaling niyong anak. Nitong mga nakaraan po ay nagiging busy siya." I chuckled. "Ang sabi'y may tinatapos lang po sa trabaho. Pero wag po kayong mag-alala kumakain naman po siya sa tamang oras. Minsan n-" Agad akong napahinto  nang maramdaman ang mumunting patak ng ulan sa aking ulo.

"Ano ba yan! Bakit ngayon pang wala akong dalang payong?!"

Sa taranta ay hindi na ako nakapag paalam sa kanya. Dali dali akong tumakbo, naghahanap ng masisilungan. The rain fell heavily. Tila nang aasar na basain ako lalo.

"Bakit pa ba ako tumatakbo, eh basa na rin naman ako." I blew an exasperated sigh. Nang mapagtantong wala ng kahit isang tuyong parte sa katawan ay nanatili na lang ako sa gitna ng mga pumapatak na ulan.

"Great! Congrats talaga sa akin kapag may sakit na ako bukas."

Naiinis naman na tumingila ako habang sinasalo ang mga patak nito.

The sky looks so dark. Tila nagbabadya ng isang malakas na bagyo. Mabuti na lang at iniwan ko ang cellphone sa kotse, kundi pati ito ay mababasa.

Mabilis akong napahinto nang maalala na suot ko pala ang regalong relo ni Enzo.

"Shit! Kapag minamalas ka nga naman!" I liftted my hands up to see if it's still working.

The heck, this isn't waterproof!

Nadismayang napabuntong hininga na lang ako.

My watch stopped at ten. Inalog alog ko pa ito na parang gagana kung sakali. Kanina pa ito nagloloko noong nasa kotse pa lang ako. Mukhang nasira na ng tuluyan.

"Good heavens... what a lucky day." Naiinis na napatingin ako sa kalsada kung saan nakaparada ang kotse ko.

Napakunot ang noo ko nang mapansing may parang kumikinang sa gitna ng basang daan.

"What's that?" Bulong ko sa sarili.

Dahil na rin sa kuryosidad ay binagtas kong muli ang daan patungo sa bagay na kumikinang. Hindi alintana ang panginginig ng katawan dahil sa lamig.

Napakunot ang noo ko nang matanto kung ano ang bagay na iyon. Akmang pupulutin ko na ito nang mapatigil ako dahil sa isang tinig.

"Despierte al, moró"

My forehead creases. Guni guni ko lang siguro.

Akmang hahawakan ko na yung bracelet nang bigla na namang may nagsalita.

"Despierte al, moró" A very familiar voice said.

Shit! What's that?! May multo ba rito?

Nahihintakutang napahinto ako ng may makitang parating sa harapan ko.

"Sino yan?" Tanong ko kahit na nanginginig na sa takot.

Napatakip ako sa mata nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa harapan ko.

I tried to keep my eyes open. Pero, halos mapugto ang hininga ko nang mapagtanto kung ano ito.

The last thing that I remembered, there is someone that keeps on saying the same exact words that I can't even understand.

"Despierte al, moró"

Lies Behind His EyesWhere stories live. Discover now