Sa bawat yugto nang buhay ng tao, marami tayong nararanasan. Karanasan na hindi natin inexpect, tulad ko. Mga karanasang napakahirap intindihin. Mga karansang akala mo sa panaginip mo lang naranasan. At mga karanasang napakahirap paniwalaan.
Takbo roon...
Takbo rito...
Tago doon...
Tago dito...
Hindi mo alam kung saang lugar ka nga ba dapat lumusot upang takasan ang realidad.
Sa pusod ng kagubatan kung saan ka hinahabol ng mga itinuring mong mga kaibigan at pamilya.
Nag-iisa...
Natatakot...
At nasasaktan...
Bakit nga ba sa huli ay ako ang naging tanga? Bakit hindi sa simula. Ngayon, nag-iisa na lang ako.
Kanino ka dapat magtiwala...
Sa taong kinamumuhian mo
o
Sa taong sinisigaw ng puso mo?
Ako si Vina De Castro, ang babaeng kinamumuhian ang mga bampira sa kadahilanang pinatay nila ang aking mga magulang. Ang babaeng hamak na napaibig sa isang IMMORTAL, sa aking kinamumuhian-ang mga BAMPIRA. Sa realidad na aking nakikita ngayon, dapat ko bang sundin ang sinisigaw ng aking damdamin o dapat ko bang paniwalaan ang realidad na nakikita ngayon? Naguguluhan na ako, gulong-gulo.