Chapter One
"Aaahhh!" Bigla akong napaupo sa kamang aking kinahihigaan.
Mabilis ang pagtibok nang aking puso, para itong kabayo na gustong lumabas sa aking katawan. Muli ko na namang napanaginipan ang masamang bangungot na iyon. Bangungot na parang malayo sa realidad ngunit nangyari ng totoo. Natauhan ako sa pag-iisip ng biglang may kumatok sa aking pintuan.
"Vina, bakit ka sumisigaw? Anong nangyayari sa'yo diyan?" Malakas na saad sa akin nang aking Tita na si Winona habang kumakatok sa aking pintuan.
"Okay lang po ako," maikling tugon ko naman.
"O sige, bumaba ka na at kakain na tayo. Baka malate ka sa iyong klase iha. Tandaan mo na araw pa man din ng klase mo ngayon. Tapos na ang three days vacation niyo," pagpapaalala sa akin ni Tita este Mama.
"Opo Ma, susunod na po ako. Mag-aayos lang po ako saglit."
"O sige!"
Bumaling ako sa aking alarm clock na nakalagay sa aking maliit na study table at tinignan ang oras. Inunat ko ang aking kamay sa itaas ng ere saka ko binagsak ang aking katawan sa malambot kong higaan.
"Haayy!Ang sarap talaga mabuhay. Di bale 8:00 a.m. pa naman. Kaya matutu---"
Agad akong napaupo sa aking kama at saka ko madaling kinuha ang alarm clock na nasa study table at muling tinignan ang oras. Bakit parang- - - - ARGH! Late na ako!
Agad akong tumakbo sa loob ng aking banyo saka ko ginawa ang aking daily routine. Bakit kasi 8:30 ang pasok namin and to think trenta minutos nalang ay magtatime na. Buti na lang at may sarili akong banyo, at buti na lamang ay napunta ako sa mabait kong Tita Winona at Tito Arturo. Ang mama at papa ko ngayon. Ganyan ang mga mababait. Hala! No time to explain na ito, kailangan ko na talagang magmadali.
***
Nandito na ako sa labas ng campus at kasalukuyang nakapila papasok sa gate. Ang arte naman kasi nitong pinapasukan ko, bakit ba kasi kailangan pang mangalkal ng gamit nang mga estudyante? Para namang may mga dala kaming mga bagay na nakakasama dito sa loob ng campus. Pero kung sabagay, malaki din ang maitutulong niyan para sa kaligtasan namin. Pero, late na talaga ako.
Lumipas ang sampung minuto bago ako nakapasok ng tuluyan sa loob ng campus. Tinignan ko ang aking wrist watch at patay na talaga ako nito at pwede na nila akong gawing pansahog para sa pansit dahil sa sobrang late ko na.
Dumiretso ako kaagad sa room nang aking first subject at ganoon na lamang ang aking pagkagulat ng makitang walang tao sa room.
"Saan kaya sila nagpunta?," bulong ko sa aking sarili.
"Miss De Castro?"
Nasaan na ba iyong mga taong 'yun? Iniwan man lang ako? Mga bastos na nilalang! Unang araw pa lang na bumalik, iniwan na ako. At wow? Hindi lang isa nang iwan sa akin, buong klase! Ano mabibilib na kayo?
"Excuse me, Miss De Castro?"
Ano ba naman kasi? Nasaan na kaya sila Montz at Cess?Mga walang kwentang kaibigan. Pag may kailangan ka saka naman sila nawawala. Mga halimaw na 'yun.
"Miss De Castro?"
"AAAH!" Agad akong napatingin sa taong nangalbit sa aking likuran. Put@pete, gulatin daw ba ako eh?
"HOY MIS---" naputol ang aking sasabihin nang mapatingin ako sa mukha ng lalaking aking nasilayan.
Ang gwapo niya, makalaglag panty. Hindi ko man lang naisip na nakabukas na pala ang aking bungnga dahil sa kagwapuhan niyang taglay. Natauhan lamang ako nang bigla siyang magsalita.