CHAPTER TWO
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nilibot ko ito sa loob ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Nasaan ba ako?Bakit puting-puti itong kwarto? Baka nasa langit naman na ako. Pero! Bakit ang sakit ng ulo ko at bakit masakit itong kamay ko? Kung patay na nga talaga ako, bakit may malambot akong kamang hinihigaan ngayon?
Tumayo ako sa kamang aking hinihigaan at nasapo ko na lang bigla ang aking ulo. Tinignan ko ang kwarto kung nasaan ako ngayon at napag-alaman ko na nasa hospital pala ako, base na din sa nabasa kong pangalan sa may dingding.
"Topple's Hospital and Medical Center," bigla kong sambit. Teka, Topple ba? It sounds familiar pero wala akong maalala. Sa palagay ko narinig ko na iyang word na iyan, pero hindi ko nga lang alam kung saang lupalop ng mundo ko iyon narinig. Sa aking pag-iisip hindi ko namalayan na may impakto at impakta na pala na nakapasok. Sino pa nga ba?Si Cess at si Montz.
"SISTAR!!!!" Sigaw ni Cess na makabasag pinggan talaga ang boses saka niya ako sinugod nang kanyangyakap. Kaya ang payo ko sa inyo, huwag kayong lalapit sa kanya kapag masyado siyang excited. Aw, bakit ganito yung kamay ko, bakit parang masakit?
Tinignan ko yung parang poste na bakal na pinagsasabitan yata ng dextrose at nakita kong may nakasabit nga na dextrose doon at sinundan ko yung white na host at sa akin pala iyon na kalagay. Kaya naman pala sumasakit itong kamay ko ngayong yakap ako ni Cess ay dahil sa akin nga nakakabit yung dextrose at naiipit niya ito.
"ARAY CESS! ARAY!! YUNG KAMAY KO!!' Saka ko siya pilit itinulak gamit ang aking right hand.
"What?," saad niya sa may tenga ko habang yakap pa din ako. Baliw na itong babaeng ito! Tinutulak ko na siya't lahat-lahat ayaw pa din humiwalay sa akin, mga linta talaga. Ang sakit na ngkamay ko.
"CESS!! LELECHUNIN KITA KAPAG HINDI KA UMALIS SA PAGKAKAYAKAP MO SA AKIN! YUNG KAMAY KO MAY DEXTROSE! HUWAG TANGA!"
Natauhan yata siya sa sinabi ko at umalis na siya mula sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan koang left hand ko at pinsil, grabe sumakit yung kamay ko doon. Grabe ang bigat pala ni Cess. Ngayon ko lang narealize.
"Peace."Itinaas niya ang kanyang kamay at nagpeace sign sa akin.
"Tse, pagkatapos mo akong muntik patayin?," nagcrossed arms ako.
"Patay agad?Hindi ba pwedeng libing muna?Este maghihingalo muna?"
"Kung batukan kaya kita, bakit nga ba ako nandito sa hospital ha?"
"Kasi wala sa punerarya," singit ni Montz, saka dumakot ng Chippy at walang habas niya itongisinubo na parang wala ng bukas.
"Heh! Magtigil ka diyan,hindi ikaw ang kausap ko. Kumain ka na nga lang diyan at maghintay ka na lang na matapos kaming mag-usap nitong si Cess," saka ulit ako humarap kay Cess.
"Cess, umamin ka nga.Bakit ako nandito sa hospital? Nasaan si Mama at si Papa? Patay na ba ako? Bakit may dala kang kandila at bulaklak? Kailan lamay ko? Kailan ako ililibing?"
"Bukas ka ilalamay at ililibing. Teka, dahan dahan nga sa pagtatanong. Mahina kalaban.Wala kang naaalala?," tumingin siya sa magaganda kong mata.
"Eh malamang sa alamang! Hello? Bakit ako magtatanong kung alam ko?" Bumelat naman ako sa aking gilid para 'di naman niya makita.
"Sure ka diyan?"
"Oo nga sabi eh!Nganga?"
"Ganito kasi yun, nasa may canteen tayo nun. Tapos tinatanong mo kung sino yung nakapulang jacket na gwapong nilalang. Tapos doon, wala talaga? Kahit isang eksena lang 'yung maalala mo, wala talaga?"