CHAPTER THREE
Humihikbi na pilit kong isinasara ang nasira ko nang blouse. Mga hayop na baklang 'yun. Dahil lang na tinulungan ako ni Renzo, ganito na ginawa nila sa akin. Sana pala 'di nalang ako lumapit do'n kay Renzo nang mga oras na iyon.
"Ano ba itong blouse na'to ayaw magsara. Bwes**!" Nanginginig kong sabi habang naiiyak pa din dahil sa nangyari.
"Use this," sabay abot sa akin ni Renzo nang suot suot niyang jacket.
Tinignan ko siya, pero 'di pala siya nakatingin sa akin.
Kahit nahihiya ako na kunin ang inaabot niyang jacket sa akin ay inabot ko pa din iyon. Mas nakakahiya naman na hindi ko iyon gamitin at lumabas ako dito na sira ang aking blouse di ba?
Agad ko iyong sinuot at isinara. Kinuha ko na din ang aking nagkalat na gamit sa lapag at isinilid na iyon sa loob nang aking bag.
Lumapit na ako sa pintuan at lalabas na sana ngunit bigla akong hinawakan ni Renzo sa braso. Napatingin ako sa kanya at gan'on din ang kanyang ginawa, napatingin din
siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.
Agad akong nagsalita, "Huwag kang mag-alala, lalabahan ko naman itong jacket mo,"
saka ko inalis ang nakahawak niyang kamay sa aking braso.
"Hindi 'yun, gusto ko lang sabihin sa iyo na mag-ingat ka. Sige!" Pagkatapos niya iyong sabihin ay lumabas na siya.
Bakit parang may halong pag-aalala ang kanyang boses?
RENZO
Nauna naakong lumabas kay Vina sa loob ng silid na iyon sapagkat may kailangan pa akong tapusin.
Hindi naman ako nahirapan nahanapin ang mga baklang may pakana nang lahat kay Vina.
Ngayon, oras ko naman para pagbayarin sila.
"Hoy mga bakla!" Sigaw ko sa tatlong bakla na naglalakad.
Kahit sinigawan ko na sila ay hindi pa rin sila tumigil sa paglalakad. Marahil ay nalaman nila na ako ang sumigaw kaya hindi sila lumingon.
"HOY! Tumigil nga kayo! Kapag kayo hindi tumigil ipapakagat ko kayo sa German Sheperd, Pitbull, at K9!" Sigaw ko sa kanila na hindi naman kapani-paniwala.
Dahil sa isinigaw kong 'yun ay tumigil sila sa paglalakad.
Agad kong tinakbo ang kanilang kinaroroonan. At pumunta sa kanilang harapan.
"Sino ang may pakana nito kay Vina?" Seryoso kong tanong sa kanila.
"W-Wala po kaming a-alam diyan sa sinasabi niyo" Sabi n'ung isa sa kanila.