CHAPTER FOUR
Pinulot ko ang mga kapirasong papel na nahulog ni Renzo sa lapag. Tinitigan ko ang isa roon, may nakaguhit na tala. Nakakapagtaka ngunit may balat akong ganito sa braso na ganitong-ganito ang simbolo. Ang tala ng mga immortal, ang talang anim ang gilid.
"Akin na 'yan," may maawtoridad na saad ni Renzo atagad na hinila sa akin ang kapirasong papel na aking hawak-hawak.
Isinilid niya ang mga kapiraso ng papel sa kanyang bag at tumakbo palayo sa akin.
"Weird," bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga paa at nag-iisip ng malalim. Itinaas ko ang sleeves nang aking shirt at tinignan ang balat sa aking kanang braso.
Tama, ito nga ang nakita kong nakaguhit sa papel. Pakiwari ko ba'y may kinalaman ang mga kapirasong papel na hawak ni Renzo sa balat na mayroon ako. Hindi ko maiwasang mapaisip, parang may kung anong enerhiya ang bigla kong nasagap. Hindi ako mapakali.
Huminga na lamang ako nang malalim at bumuga sa hangin "Vina, wala lamang iyon, okay? Tantanan mo na ang kakaisip, papanget ka" pagkatapos ay muli akong naglakad.
"Vina," isang malamig na boses nang babae ang tumawag sa akin sa aking likuran.
Napatingin ako sa aking likod. Walang tao, wala akong kasunod na naglalakad.
"Vina," muli ay may tumawag sa aking pangalan. Nakakapangilabot ang boses nito na para lamang dala nang hangin. Sa mga oras na ito ay kinakabahan na ako.
"Sino 'yan?" May panginginig sa boses ko na pagtatanong. Humakbang ako ng konti na para bang may hinahanap.
"May tao ba riyan?"
Naglakad ako nang naglakad. Hindi ko alam ngunit sa aking kuriosidad ay napunta na pala ako sa isang parte ng campus. Kanina lamang ay naglalakad na ako para pumunta sa aking room ngunit napawi iyon ng tinig na tumawag sa akin. Sa'n nga ba kasi nagmumula ang mahiwagang tinig na iyon?
"Vina," muli'y may tumawag sa akin. Ngunit sa mga sandaling ito ay nasisiguro kong nasa likuran ko na siya.
Tila isa akong bagay na bigla na lamang nanigas sa kinatatayuan. Alam kong ang boses na 'yun ay nasa likuran ko na talaga. Nanghihilakbot ako, hindi ko kayang lumingon sa aking likuran upang alamin kung sino ang taong ito. Hindi ko din naman alam kung tao ba siya o isang mahirap paniwalaan na nilalang.
"Kamusta Vina? Humarap ka naman dito," saad ng tao na ito sa akin. Lumapit pa ito malapit sa aking tenga at bumulong, "Naaalala mo pa ba ako?"
Lalo akong kinilabutan.Sa sumunod niyang ginawa ay napapikit na ako. Ang taong nasa likuran ko ngayon ay hindi normal. May mga matutulis na kuko ang dumaan sa aking leeg. Napakatalim nito na kayang kumitil ng buhay.
Kumuha ako nang lakas nang loob sa aking sarili upang makasagot sa nilalang na ito.