May mga taong darating, at sa di inaasahan mabibigyan pansin.
Yung tipong parang sa kanya ka lang nakatingin.
Napapangiti ka pag nakikitang ikay napapansin.
Yung kahit minsan lang parang ang sarap sa damdamin.Pero minsan kahit gaano ka pa kiligin.
Kahit laman ng isip mo'y siya ang umaangkin.
Damdamin moy pilit pipigilin.
Kasi alam mong hanggang doon ka lang pwedeng dalhin.Sabi nga nila mas mainam ng itago, kaysa ang puso moy mabigo.
Sa damdming alam mong ikaw ay talo.
At kahit na anong gawin mong sugal walang nakasisiguro.
Na kahit si kupido di kayo aprobado.Ang hirap no? Sumugal ka pero dehado.
Magmahal ka pero delikado.
Kawawang puso mo, lagi na lang bigo.
Kahit gusto mo ipagsigawan sa buong mundo na sya, sya ang gusto mo.Kaya sayo, kung sakaling minsan ay malaman mo.
Na merong ako na minsang nagmahal sayo.
Isipin mo na lang na itoy itinago ko.
Para sa ikapapanatag ng puso ko, sa alam kong laban na kaya kong ipanalo.