PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 2
AiTenshi
Jan 18, 2019
Marahil ay hinahanap pa ng aking bala ang kanilang target. Hindi ako umaalis sa aking pwesto, basta ang maririnig lang ay ang putok ng tumamang bala sa katawan ng mga humanoid. Total execution ang aking ginawa ayon na rin sa command ng aking system. Isa pa ay naawa rin ako sa mga nilalang na kanilang walang awang hinihiwa at pinapatay. Lalo lamang lumakas ang paniniwala ko ang mga tao sa Earth na ina-abduct ng mga humanoid like figure ay dito dinala upang operahan at kuhanin ang mga lamang loob.
Ngayon ay dumating na ang oras ng panininggil sa mga krimen na kanilang ginawa at wala akong pag sisising nararamdaman sa aking naging aksyon.
Makalipas ang ilang segundo ay nag flash sa akin system ang kabuuang bilang na 1,210/1,210
"Execution Completed"
Part 39: Prince Disector
ACE POV
Total extermination, iyan ang termino sa aking ginawang pag patay sa halos mahigit sa isang libong humanoid. Ayon sa data ang mga nilalang na ito ay makakayahang pag hilumin at ibalik ang mga nasirang selula at tissue sa kanilang katawan, ngunit mayroon isang sensitibong parte sa kanilang ulo na kapag na tamaan ay mawawala sila ng kakayahang mag regenerate at maaaring maging sanhi ito ng kanilang pag kamatay. Ang parteng iyon sa kanilang noo ang aking tinarget upang tuluyan silang maitumba.
Lumalakad ako pabalik sa tarangkahan kung saan naroon sina kuya Bart na kapwa naka nganga at naka tingin lang sa akin. Ngumiti ako "Tapos na kuya. Medyo natagalan ako dahil yung ibang humanoid ay nasa pinaka undergroud pa." ang wika ko.
"Tang ina, halimaw ka palang bata ka. Nakatayo ka lang doon tapos ay naubos mo kalaban ng ganoon kadali?" ang namamanghang wika ni Cyan.
"Walang imposible sa teknolohiya kuya. Ilan ang ugat ng walang katapusang kapangyarihan ng mga nilalang sa kalawakan." ang wika ko habang naka ngiti. Agad kong sinuntok ang tarangkahan dahilan para magiba ito. "Gaano ka nakakasigurado na clear na ang lahat? Nasaan yung mga bihag na alien sa loob ng gusali?" tanong ni Kuya Bart.
"Yung mga alien na bihag nila? Wala na." ang simple kong tugon.
"Paano wala na?" tanong ng Hari.
"Wala nang natira. Pinatay na sila gamit yung nakakalasong Gas. Iniscan ko kung mayroong buhay doon sa gusali pero walang nadetect. Tumakas yung baliw na doktor." ang sagot ko habang nakatingalang nakikipag usap sa kanila. Masyado kasi silang matatangkad. Samantalang sila naman nakatingin sa akin at ginugusot ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasíaAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...